NATUTUWA ako sa magandang balita na ang aktres na si Angel Locsin ay kabilang sa mga celebrities na tinagurian ng Forbes Magazine as “Hero of Philanthropy” sa walang sawa niyang pag-ayuda sa mga kababayan niya tuwing may kalamidad at delubyo na nararanasan ang mga kapwa niya Filipino.
Nasa dugo na yata ni Angel ang pagtulong even before tumulong ang iba sa hanay niya.
I remember na openly ay tumulong si Angel sa mga taga-Mindanao noong panahon na may mga magsasaka na nagugutom na hinarang ng mga military sa kanilang pagmartsa patungong sentro para humingi ng ayuda sa kanila ‘Bigas Hindi Bala’ advocacy.
If I remember it right, si Angel ang first celebrity na tumulong sa mga magsasaka na ito na sinundan ng iba pang mga celebrities like Robin Padilla, Ice Seguerra and Liza Dino; at mga tulong na ipinadala ng ibang mga celebrities nang mabalitaan nila ang nangyari.
Kilala si Angel sa mga tulong na ginagawa niya. Siya palagi ang una sa hanay na hindi nakapagtataka para papurihan siya ng Forbes Asia.
In her social media account, she posted: “I never thought @ForbesAsia would ever mention my name, lol. Thank you! Filipinos have always been known for ‘bayanihan’.”
Dugtong pa sa kanyang mensahe:” I’m nowhere near from being a billionaire, but I try my best to do my part in my own little way. I hope this would inspire other people to help as well,” pagkakasulat pa ni Angel.
We’ve learned na umabot na halos P15 Million ang tulong niya from her own personal pocket for the past 10 years sa mga personal niya na tulong sa mga biktima at sa mga disaster relief at edukasyon.