BILIB KAMI sa advocacy ni Papa Ahwel Paz ng ABS-CBN’s DZMM radio dahil until now, sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay bilang isang pangkaraniwang Pinoy na tumutuloy sa kanyang ina na magbenta ng gulay sa Sampaloc sa Maynila ay pinapahalagan niya ang edukasyon.
Kaya nga nakapagtapos si Papa A (tawag namin sa kanya) sa pamamagitan ng scholarship at kasipagan na rin na dahil sa tagumpay na natatamo niya ay ibinabalik naman niya sa mga less privileged nating mga kababayan ang natutunan niya.
Sa sarili niyang pamamaraan at effort ay may mga scholars si Papa Ahwel na pinagaaral.
Sa kanyang bagong endorsement project as ambassador of IAAS (International Academy for Aesthetics Sciences), aminado ang showbiz and radio personality na “gratis” or free ang pagiging endorser niya sa aesthetics school na in exchange of this free endorsement services from his end ay kapalit ang P3 million worth of scholarships para sa mga needy kababayaan natin na gusto mag-aral mula sa 8 different courses ng na ino-offer ng school.
Sa naganap na contract singing kanina ay pumirma si Papa Ahwel ng endorsement contract with IAAS owner Miss Andrea Andal and Dr. Cecil Catapang.
“I’m happy for this new endorsement. Madami ang matutulungan sa P3 Million worth of scholarships sa mga gustong mag-aral for free. It’s my way of giving back to the needy at sa mga tao na tumulong din sa akin noong walang-wala kami,” pahayag niya.
Reyted K
By RK Villacorta