OLA CHIKKA again and again na naman tayo sa mga chizmax to the maximum authority of chikka. Medyo PSSST na naman tayo – pulitika, showbiz, sport, scandal, tsika.
Kasi, ano na naman itong nabalitaan ko kay Aga Muhlach na naging malasado na naman sa mga kababayan kong taga-Bicol. Kasi nga naman, hindi pa nga nag-uumpisa ang kampanya, say ng mga Bicolano, walang isang salita.
Kasi nga naman, sana daw makarating ito mismo kay Aga at sa kanyang asawang si Charlene Gonzales, at lalo na sa kanyang manager na si Manay Ethel Ramos. Kasi, may mga kababayan nating Bicolano at kamag-anak niya mismo ang pinaasa matapos niyang mangako na darating sila sa imbitasyon mismo ni Albay Gov. Joey Salceda sa isang musical na Daragang Magayon, dance presentation sa CCP din.
Bukod pala kay Manay Ethel Ramos, mayroon pang isa o dalawang grupo na nag-confirm daw itong mag-asawang Aga at Charlene na sila ay darating. Kaloka, kasi no show raw ito at parang nawalan na ng ganang suportahan ang nangangarap na maging congressman ng isang distrito sa Camarines Sur.
Samantala ang pinadala raw kay Manay Ethel, sumagot na hindi makararating kasi laging sa Bicol kasama ni Gov. L-Ray Villafuerte. Ang nakakaloka raw, itong mga lider niya at kamag-anak pa man din na walang alam kung bakit hindi nakarating si Aga, sabi nga, naku hindi magandang pangitain ‘yang ginawa ni Aga.
Samantala, ang isa pa nilang inimbitahan ay ang ating nag-iisang Superstar Nora Aunor. Hindi pa raw nag-uumpisa ang show, hinihingal pa na dumating mismo si Jobert Sucaldito para ipaalam na hindi makararating si Guy dahil abala sa taping ng Never Say Goodbye. Kasi nga naman, matagal siyang hindi nakapag-taping dahil kalalabas lang ng hospital na 8 p.m. pa ang show pero 6:30 p.m, dumating si Jobert na kahit nay program pa siya sa DZMM ng 10 p.m.
At ang isa naman, itong si Manoy Eddie Garcia na napaka-professional sa lahat ng artista. Ang tunay na manoy at Uragon, na mismong araw ng show ay nagpasabi na, “Sorry, marami pa namang susunod na palabas. Hindi ako makararating kasi tinatapos ang taping ng Juan de la Cruz.” Kasi kulang na ng ipalalabas, kung hindi nila tatapusin ang taping, sabi nga ni Manoy Eddie.
Halos lahat ng inimbita nilang Bicolnon, dumating maliban sa ilan na nagpasabi na na-traffic daw sila at kung ano pang alibi. Pero sa akin, wala silang masabi kasi hindi naman ako imbitado. Hehehe, joke!
OMG! SA mga kaibigan nga pala ni Ma-dam Auring, nasa critical condition siya ngayon sa Quezon City General Hospital. Isinugod siya nu’ng isang araw at nananawagan ang kanyang anak na si Marites or Matet na kung sino man ang may mabuting kalooban na p’wedeng mag-donate ng dugo kahit anong type, magtungo lang sa blood bank ng nasabing hospital. Kasi kailangan ng maraming dugo ni Madam Auring para madugtungan pa ang kanyang buhay.
Ipag-pray rin natin siya sa madali niyang paggaling.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding