Madidilim at delikadong lansangan

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

  • HINGI PO ako ng tulong sa programa ninyo dahil dito po sa Brgy. 174 Camarin, Caloocan City ay palagi pong may nahoholdap sapagkat napakadilim ng lugar. Sana po ay matulungan n’yo kami para mabigyang pansin ito ng mga kinauukulan.

 

  • Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan upang mapailawan ang isang kalye sa Puting Kahoy, Silang Cavite. Iyong papunta po ng Gate 2 ng AUP. Napakadilim po talaga ng kalye at delikado sa mga dumadaan.
  • Isusumbong ko lang po iyong sa may LRT Roosevelt Station, doon po sa harap ng grocery dahil ginagawang terminal ng mga FX na hindi naman dapat kasi po wala nang madaanan ang mga tao. Sana po ay mapasyalan ito ng kinauukulan para matanggal na po ang illegal terminal na ito.
  • Hihingi po sana ako ng tulong na mabawi ang pinapa-repair kong cellphone sa Nokia Philippines dahil mag-aapat na buwan na po at hindi ko na alam kung saan kukunin dahil lumipat sila ng service center. Sinubukan ko pong tawagan ang bago nilang service center pero wala pong sumasagot.
  • Dito po kami sa Bicol, baka puwede po sanang mapaalis ang mga imbakan ng mga gasul dito sa malapit sa amin dahil baka sumabog. Nakakatakot po at saka nasa tabi lang ng high school dito sa Ligao, Albay. Sinabi na namin ito sa Bureau of Fire pero wala namang aksyon. Sana po ay maaksyunan.
  • Pakikalampag naman ang Dasmariñas Police sa Cavite dahil iyong nagtse-checkpoint sa may Palparan 3 ay grabe po mag-inspeksyon. Kulang na lang ay hubaran ang tao. Lahat hinahalungkat pati laman ng bag at wallet dahil baka raw may drugs. Sobra naman po ang ginagawa nila, labag na sa karapatang pantao iyon.
  • Reklamo ko lang po iyong barangay captain dito sa amin sa Brgy. San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija dahil laging may nakasukbit na baril sa bewang niya. Sana po ay maaksyunan n’yo.
  • Irereport ko lang po sa inyo ang baradong kanal namin dito sa Road 4, Brgy. Pag-asa, Quezon city. Dito po iyon sa likod ng SM North Edsa. Dalawang taon na po itong barado at walang ginagawang aksyon ang kinauukulan. Sana po ay matulungan ninyo kami.

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.

Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleManny Pacquiao, 2 beses pinabagsak si Timothy Bradley para makuha ang ‘unanimous decision’
Next articleAiko Melendez, mas gustong matawag na prangka kaysa mataray

No posts to display