SIPAT: BIGLANG SIKAT itong si BELA PADILLA.
EKLAT: THANKS to MARIAN RIVERA!
SIPAT: UNFAIR naman MASYADO ang IBINIBINTANG kay MARIAN.
EKLAT: Haller?! HINDI niya MAGAGAWA ‘yon kay BELA. Pramis!
SIPAT: TULOY na TULOY na raw ang BAGONG SHOW ni WILLIE REVILLAME sa TV5.
EKLAT: ‘Pag NAIPALABAS na saka na lang PANIWALAAN.
SIPAT: MABUTI rin na MATULOY na ‘yang TV SHOW ni PAPI.
EKLAT: Para MAUMPISAHAN na rin ang BAKBAKAN nila sa KORTE ng ABS-CBN!
SIPAT: ‘Nag-LOCK’ daw ang mga ‘ANO’ nina JOHN LLOYD CRUZ at SHAINA MAGDAYAO?
EKLAT: A] MALAKI kasi; B] MASIKIP kasi; C] May SUMABIT; D] O.A. ang BALITA
SIPAT: MUNTIK na palang maging ‘KAPATID’ si SARAH GERONIMO.
EKLAT: SOLUSYON ng KAPAMILYA – DOBLEHIN agad ang TF!
SIPAT: NEVER daw LALAKI ang ULO ni GLAIZA DE CASTRO ngayong SIKAT na siya.
EKLAT: Ay, SIKAT na ba?
SIPAT: Ang TAPANG pala ng STATAMENTS ni CLAUDINE BARRETTO against ANGELICA PANGANIBAN.
EKLAT: PUWEDE na nga siyang maging ACTION STAR!
SIPAT: So, TULOY na ang DEMANDA ni ANGELICA kay CLAUDINE?
EKLAT: May NETWORK WARS na… may STAR WARS pa!
SIPAT: HINAHABOL ng BIR si MARK HERRAS…
EKLAT: ‘Buti na lang ‘BUWIS’ at HINDI ‘BUNTIS’ ang HABOL nila!
SIPAT: Bakit kaya ‘pag ARTISTA, e PUBLICIZED ang PAGHAHABOL ng BIR?
EKLAT: GANDA kasi ng EXPOSURE!
SIPAT: ‘BIRTHDAY PARTY po ‘yon at HINDI SHOW,’ paliwanag ng MAHADERA sa MADIR ng ‘SIKAT’ na YOUNG ACTRESS. Bakit? ‘NANININGIL ba naman ng 10 KIYAW kung PUPUNTA ang ANAK niya?!’ ang mataray na litany ang MAHADERA.
EKLAT: NAND’YAN lang siya, kaya ‘wag nang HUMINGI ng CLUE.
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service