BLIND ITEM: Nakasa-sad naman kung totoong ang madir ng isang gwapong young actor ay mapanlait ng kapwa.
Just recently ay nagkaroon ng presscon ang anak para sa isang teleserye. Hindi pa man nagsisimula ang presscon ay may “kabilin-bilinan” ang lola n’yo sa namamahala ng presscon na make sure lang na walang magtatanong sa anak niya ng tungkol sa dati nitong ka-loveteam.
Dahil totoo ba na dumayalog ito ng, “Ayokong pag-usapan sa presscon ng anak ko ‘yung babaeng mahirap!” Kung totoo man ito, teka muna at foul naman ata ‘yon, Mami.
Tapos, nagdayalog pa raw ito minsan na hindi naman totoong nagkakaigihan na ang anak niya at ‘yung inilalabtim na babae rito. “Hindi naman papatulan ng anak ko ‘yon, ang pangit niya, no!”
Wow! Easy ka lang diyan, Mother, huh! ‘Pag hindi ka po kumalma ay malapit ka sa karma.
Sobrang nakasa-sad kung totoo man ito. ‘Pag nakakausap naman namin si Mami, parang hindi ko rin maimadyin na kaya niyang manlait ng itsura ng isang tao, lalo na kung wala namang ginagawang masama sa kanya, ‘di ba?
Sinabi nga namin sa aming source kung sure bang sinabi ‘yon ni Mami?
“Sure na sure ako, mare, dahil nakarating na rin ‘yang kaartehan ni Mami sa management. Awang-awa naman sila du’n sa girl kasi, okay lang namang sabihin mong maarte o pangit ang ugali ng bata, pero huwag namang manlait ng itsura. Porke ba guwapo ang anak mo, wala na bang karapatang mainlab ‘yon sa isang simpleng babae?”
Isa pang isyu dito ay ‘yung nagde-demand daw ng cut-off si Madir para sa anak niyang guwapo.
“Dahil nag-aaral daw ang anak niya, kaya 2pm ang dating nito sa set at pack-up na agad ng 12mn. Mare naman, bida ‘yung anak mo, tapos, bawal mapuyat dahil me pasok pa kinabukasan? Ba’t hindi mo muna pahintuin sa pag-aaral ang anak mo para makapag-concentrate sa pag-aaral kung gusto mo talagang maka-graduate?
“Eh, alam naman niyang puyatan ang taping, lalo na kung bida ka pa ng teleserye? Hindi bale sana kung napakahusay umarte ng anak niya, ‘di ba? Eh, hindi naman talaga’t pagpapa-cute lang ang kayang gawin.
“Tapos ‘pag kokonti ang eksenang mapapanood ni Mami, for sure, magrereklamo na naman siya at magtatanong eh, alam naman niya kung ano ang sagot sa reklamo niya. Saka ba’t ka naman magde-demand ng cut off sa anak mo eh, kung magsipag-gimik, inaabot naman ng ala sais nang umaga, tapos ‘pag oras ng trabaho, hanggang 12 midnight lang ang cut-off?”
Oh, well. Basta kami’y nagulat lang sa tsikang ito. Okay na ‘yung kaartehan sa calltime, pero ang ayaw talaga naming paniwalaan ay ‘yung nanlait ka ng itsura at katayuan sa buhay ng isang tao.
Well, sana nga, hindi ito totoo. At gusto ko lang sabihin sa kababayan kong madir na dapat na malaman niya na tayong lahat ay Pilipino at dapat na magkaisa.
By Ogie Diaz