HINDI HANTAD SA publiko ang ina ng isang sikat na aktor. Nananahimik ang aktor ngayon at gumaganda ang imahe niya sa publiko kaya hindi aakalain ng mga tao na ang ina niya, pupuwedeng makagawa ng mga milagro na pupuwede ring ikasira niya.
Sa isang umpukan ng karamiha’y hindi taga-showbiz, nasagap namin ang chikang ang ina ng aktor ay galante sa mga lalaki. May asim pa naman kasi ito at mukhang bata pa, kaya may mga pumapatol na rin. Sa lugar daw nila, naging kilala ang inang ito sa pagpatol sa mga tricycle driver.
Sino ba naman ang tatanggi sa inang ito na galante na nga, may asim pa kahit paano, at babae naman na kumpleto sa piyesa? Well, okey na rin lang na pagparausan ito ng mga driver na karaniwang tumatambay malapit sa kanilang lugar. Kaya kung minsan, pila-balde ang mga pahinante sa tila manyakis nang ina ng aktor.
Alam kaya ng aktor na ito ang hilig sa katawan ng kanyang ina? Kunsabagay, kanino pa magmamana ang aktor? Mabuti na nga’t nakaahon ito sa lusak ng pagpapasalin-salin sa kandungan ng kung sinu-sinong bakla noong wala pa itong pangalan.
Kaya hindi na nakapagtataka ito sa mga nakakikilala sa pamilyang pinagmulan ng aktor.
SIGE PA RIN ng katatanong ang press tungkol sa misteryosang babae raw na naging pakay rin ng singer na si Erik Santos sa pagpunta nito sa Amerika kamakailan, bukod pa sa recording at ibang may kinalaman sa collaboration nila roon for an album ng sikat na international singer-composer na si Jim Brickman.
Ang sabi naman ni Erik, nagkatawagan lang sila sa phone, pero hindi sila nagkausap ng misteryosang babaeng ‘yun. Pero, nasabi nga ng binata na sa launching ng album nila ni Jim Brickman, well, babalik daw sa PIlipinas ang babae. Tiyak na kukulitin na naman si Erik ng press tungkol sa babaeng ito, kung sino man siya.
Bukod sa pagiging volunteer at ambassador ng Philippine National Red Cross, tiyak na aabangan ang pagko-concert nila ni Jim Brickman sa Pilipinas sometime late this year, hindi lang para sa promo ng kanilang album.
Isa si Erik sa pinarangalan ng Red Cross kaugnay ng pagre-record nito ng Bagong Umaga, ang anthem ng nabanggit na samahang nagse-seclebrate ng kanilang 150th anniversary. Kasama ni Erik sa nabanggit na recording sina Toni Gonzaga at Yeng Constantino, kapwa contract artists din ng Star Records.
Calm Ever
Archie de Calma