Madulas na overpass!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED

Gusto ko lang pong ireklamo sana iyong overpass sa amin na mahirap daanan kapag umuulan dahil sa madulas ang daanan na bakal. Marami na ang nadulas na mga bata at matatanda, karamihan ay estudyante. Kung puwede po sana ay maaksyunan at malagyan man lang ng goma o semento para hindi po madulas ang daanan kapag umuulan. Dito po ito sa tapat ng Diliman Doctor’s Hospital along Commonwealth Avenue sa Brgy. Old Balara, Quezon City.

Ipaaalam ko lang po ang malalang problema sa sidewalk dito sa Bayanan, Muntinlupa dahil ginagawang parking space ang lahat ng gilid ng kalsada. Pahirap po sa lahat ng may sasakyan dahil hindi na kami makadaan kaya’t nagkaka-traffic.

Reklamo ko lang po itong paniningil ng P80.00 na bayad sa Police Clearance pero wala namang ibinibigay na official receipt. Dito po ito sa may headquarters sa may General Santos City.

Isa po ako sa mga concerned parents dito sa Bariw National High School sa Camalig, Albay. Magrereklamo lang po kami dahil naniningil ng P630.00 ang PTA at kung anu-ano pang bayarin ang kanilang sinisingil sa amin para raw sa mga project ng eskuwelahan. Sana po ay matulungan ninyo kami.

Noong nakaraan po kasi ay may nakasakay ako sa isang bus na nagpakilalang pulis pero hindi naman naka-uniform. Sumakay po siya mula Alabang hanggang Magallanes at hindi nagbayad ng pamasahe, may ipinakita lang na ID. Itatanong ko lang po kung exempted ba sila sa pamasahe? Tama po ba iyon?

Ire-report ko lang po iyong kalye rito sa likod ng palengke rito sa Imus, Cavite dahil ang mga tao ay sa gitna ng kalye na naglalakad dahil sinakop na iyong magkabilang side walk ng mga vendor.

Isa po akong concerned citizen na nakatira sa isang barangay sa Maynila, gusto ko lang pong malaman kung ano po ba ang patakaran sa pagkuha ng barangay clearance? Kasi po ilang taon na kami sa lugar na ito pero hindi kami makakuha ng clearance dahil kailangan daw muna naming magparehistro rito. Gagamitin po kasi sana sa trabaho ang clearance, hindi po ako matanggap dahil kulang po ako sa requirement na clearance galing sa barangay. Sana po ay matulungan ninyo kami.

Ire-report ko lang po na iyong truck ng basura dahil sa hindi tamang pangongolekta ng basura. Namimili lang po sila ng basurang kinukuha nila. Dito po ito sa Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleAlDub fans, nagwala sa social media dahil sa tweets ng isang blogger
Next articleDirek Brillante Mendoza, ‘di dapat kainggitan sa pagdidirek ng SONA ni Pangulong Duterte

No posts to display