BLIND ITEM: “PA’NO ko kaya malalasing ang kaibigan mo? Gusto kong magpakan— sa kanya, eh!” ang tinutukoy ay ang dyowang young actor.
“Ha? Ba’t lalasingin mo? Ba’t hindi mo hintaying maramdaman niyang gusto niya kesa lalasingin mo ‘yung tao?”
“Wala lang. Trip lang. Parang masarap kung pareho kaming lasing. Ang problema kasi diyan sa lalaking ‘yan, hindi umiinom, eh!”
“O, eh, ‘di maghintay ka ng timing, gagah!”
‘Yan ang conversation na narinig ng isang production staff sa taping ng isang teleserye. Teleseryeng umeere gabi-gabi. Pareho silang young actress. ‘Yung gustong magpakan—, aba, eh, eversince naman ay “maelya” na ang batang ito, pero hindi naman nu’ng child star siya, in fairness.
‘Yun na.
BLIND ITEM: HABANG wala pang show ay engrandeng bakasyon muna ang ine-enjoy ngayon ng isang TV host. Kung saan-saan siya nagpupunta, nagsI-shopping at laging nagpapa-dinner sa house.
Ang latest: Dahil walang magawa, bumili lang naman siya ng Lamborghini worth P20 million! ‘Kalokah! Sey nga niya, “Hay, naku, ang hirap ‘pag walang ginagawa. Kung anu-ano tuloy ang binibili ko!”
Hindi niya masyadong pinaggagagamit ang kanyang mga mamahaling sasakyan. Nakahilera lang ito sa paradahan. At tinitingnan-tingnan lang niya ito ‘pag lalabas siya ng bahay.
“Masaya na siya ng ganyan lang. Sisilipin lang niya ang mga kotse niya, happy na siya. Noon pa kasi, sobrang mahilig siya sa mga mamamahaling sasakyan. Meron na rin siyang Ferrari worth P13 million naman ‘yon.
“Gano’n lang siya. Hindi niya ‘yon ibebenta, nangongolekta lang talaga siya!”
Kilala n’yo na ba kung sino siya?
Teka, baka mawili naman kayong masyado sa kaiisip kung sino siya, ha? So, dapat, mahulaan n’yo na ‘yan.
may nakausap kaming isang executive ng Channel 5. Alam n’yo bang sa ngayon ay okay lang kung iilan lang ang mga advertisers na pumapasok sa kanilang istasyon?
Talagang sobrang haba raw ng pisi ni Mr. Manny Pangilinan, sey ng aming kausap. Ilang crew cab ang kanyang ipinabili para gamitin sa entertainment at news department.
“Mataas pa silang magpasuweldo sa mga tao, kaya lalong ginaganahang magtrabaho ang mga tauhan. ‘Yun ang motivation ni MVP para bumongga ang istasyon.
“Bukod sa PLDT, nakuha na rin ng Metro Pacific ang malaking share sa Meralco at sa Maynilad. Kaya ‘wag ka nang ma-shock kung ‘yun muna ang mga commercials na papasok sa amin!”
Actually, kahit kami’y hinihimok na mag-TV5 na rin. Me gano’ng factor. Nakakatu-wang isiping may “asim” pa pala kami, he-he-he! Salamat,
TV5!
Oh My G!
by Ogie Diaz