MALAKI ANG paniniwala at ang pangarap ko na isang araw ay sana mangyari na ang mga alagad ng sining ay maging isang malaking attraction ng ating bansa. Na tayo ay magkaroon ng tinatawag na pabahay sa mga artist o Artist Village o Bahay Sining sa Pintura at iba pang uri sa sining. Ito ay upang muling magsupling ng makabagong pananaw hindi na lamang sa Pitong Uri ng Arte. Bagay na napag-usapan namin nito lang kasalukuyan ng head ng Arts Section ng 7 Arts na si Ferdinand Isleta.
“Ang Seven Arts, isa po sa bumubuo ng apat na sub-commission ng NCCA. Ang committees po ng apat na sub-commission in the arts ay ‘yung Committee on Architecture and Allied Art, Committee on Cinema, Committee on Dance, Dramatic Arts, Literary Art, Music and Visual Art. Ito lamang pong pito, pero ‘yung twelve (12) other committees ay under the Sub-commission ng Cultural Heritage, Subcommission ng Cultural Dissemination, Cultural Communities at ng Traditional Arts. Total po ay mayroon nang nineteen (19) committees na nire-represent ng private sector, maging mga artists, cultural workers. Kami po sa NCCA ay really People’s Initiative. Nabuo ito sa initiative ng mga artist, cultural workers na nag-gather together sa paniniwala na mahalaga ang partisipasyon mismo from the artists. Sa pagbuo ng mga programa para sa mga artists at ng mga cultural worker.”
Ano ang masasabi ninyo sa pagmo-modernize ng artists at mga konsepto?
“Tamang-tama ang katanungan ninyo sa Program for Visual Arts. Isa ‘yan sa gustong ayusin mismo sa mga artist. Actually, he is challenging not only the visual artists, but all the seven arts to think really out of the box. Ito na, ano ‘yung hindi pa natin nagagawa na sa tingin mo ay kailangan nating gawin way beyond what we are doing right now. Kasi ano ba ‘yung basis ng public art? Paano ba natin mae-enganyo ang mga community.
“Para una, ma-appreciate aside from doing a groundbreaking work na talagang highly digital o gawin na talaga, tataas ‘yung kanyang standard at really and totally out of the box. Parang futuristic at paano mai-involve ang community na ma-appreciate ang mga ginagawa na ito.
“Kumbaga, ito ay challenge talaga na makagawa ng ibang art. Isa sa magandang example na meron, isang isang train station, ‘di ko alam kung anong bansa, na ‘yung visual artists ay concern niya ay health ng mga tao pati government. Lahat ng mga tao nag-e-escalator, na hindi na nagagamit ‘yung hagdanan. Through art, sabi ni Chairman, ‘yun daw ngang hagdan pinintahan parang piano, tapos merong mechanism na tumutunog ‘yung piano kapag tinatapakan. Dahil, natutuwa ‘yung tao, imbes na mag-escalator, ‘yung art na ginagamit, nakatutulong pa sa kanilang kalusugan. True art. Ito ang example na dapat gawin sa Pilipinas. These works can be appreciated by the common people,” dagdag pa ni Ferdinand Isleta.
Sana nga ‘yung artist village doon muna sa “Arte ng Sining sa Pintura” kung magkakaroon ito nang disenteng tirahan, doon naman ay magkakaroon lalo ito ng interest upang maipapapatuloy ang kanyang talento. Doon maaaring dayuhin ng mga turista ang mga exhibition nito at maging galerya ang kanyang bahay o ang tinaguriang “Artist Village”.
Maging sa ano mang uri pa nitong sining at arte. Alalahanin natin na ang lahat ng bagay sa aking pagsusuri ay napakalawak ng arte ng arkitektura. Ito ang nagbibigay sa lahat ng uri ng institusyon ng hugis at kulay sa isang bansa bilang isang installation para maging isang Modern Landscapes of Culture Rise of the City. Sana mabigyan ng pansin ito ng ating Pangulo, hindi man sa ngayon ay sa mga susunod pa.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
E-mail: [email protected] CP. No.# 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia