NAKAUSAP KO ang Playgirls na binubuo nina Pauline Subido, Carmen Media at Margareth Media. Uhmmm! Paano nga ba ‘yong Playgirls na ‘yan, paano naitayo ito?
Ayon kay Pauline, nabuo ito noong 2009, under Viva Records. Dagdag pa niya, “‘Yung unang batch po, four kami under Viva Records. Nag-launch po kami sa may White Avenue sa may Tomas Morato, Quezon City.”
Anong pinakamagandang break ang nangyari sa inyo? “Ah, marami naman pong magagandang break, kasi mostly marami kaming nakukuhang events, shows at minsan nagge-guesting din po kami sa mga TV (shows).”
Anong mga shows sa TV na naging guest na kayo? “Ah, tulad ng Walang Tulugan, tapos sa Jojo A., magiging regular na kami.”
Ah, si Jojo A.? Kilala ko ‘yon. Sabihin mo si Maestro Orobia. Nagke-create din ba kayo ng mga bagong sayaw, kayo rin ba ang nagko-choreograph. “Opo at kami rin ay kumakanta.”
Halimbawa, inimbitahan kayo sa isang event, minsan ba nakarinig na kayo o nabastos na ba kayo? How about you Pauline? Sino si Pauline kapag nag-iisa na? “Ah, ako naman ‘yung tipong nasa bahay lang kapag walang work. Minsan lumalabas din, mahilig ako sa shades or eyeglasses. Mahilig ako sa mga sapatos.”
Ah, para kang si Imelda. “Ah, hindi ko alam, parang minsan ‘yung, ‘oh, bumili ka na naman ng sapatos’.”
Ah, ako naman naka-shades din kasi ‘pag may nakita akong magandang babae, kunware ‘di ako nakatingin at ‘di halata, hehe! “Ah, gano’n ang intensyon ninyo ah, haha!”
‘Di ah, double vision ang salamin ko, ah.
Tinanong ko din si Carmen kung minsan ginugulo sila sa kanilang shows. “Ah, hindi naman maiiwasan ‘yon, eh.”
Eh, ano’ng ginagawa ninyo? Deadma na lang? “Yeah, pasok dito, labas dito sa tenga.”
Ah, ganoon? Kasi kung papatulan ninyo sila, mawawalan kayo ng trabaho? “Hindi naman mawawalan ng trabaho, siyempre parang etiquette din namin ‘yun.”
I mean mawalan ng trabaho eh, at that time ‘di kayo mabayaran kasi nagkagulo? Hohohoho! ‘Di ba, parang deadma na lang muna. “Syempre, entertainment na rin po, di ba?”
Ayon sa Playgirls enjoyment na rin ang nararamdaman nila habang kumikita at natutuwa sila sa thousands of viewers at proud sila. ‘Ika nga nandoon daw ang kanilang happiness at fulfillment.
What’s your name again? “Anne Margareth!”
Anne na lang! Kasi ‘di ba, Anne, kapag solo ka na, wala ka na sa performing or at that time sa entertainment, kung saan nagpapahinga ka, sino si Anne? “Mahilig akong mag-facebook. Opo, kasi ‘di ako mabubuhay kapag wala nu’n. Saka mahilig ako sa mga pet.”
Anong klaseng pet? “Meron akong turtle, meron akong dog at hamster. Mahilig din ako sa anime’. Actually, fan ako ng isang anime’ na character. Mahilig akong manood ng mga anime’ show. Mahilig akong manood ng anime movies, mahilig akong kumain. Hihi…”
Kalog ba si Anne? “Oo, kalog si Anne, makulit, masayahin.”
Anong hilig kainin ni Anne? “Tinapay. Hahaha!”
Nagsasawsaw ba sa kape? O tinapay lang? “Kahit ano basta tinapay. Importante, mangatngat mo ‘yun!”
Nagtawanan ang tatlong chikas. Hahahahah!
O, sige lipat naman tayo kay Carmen. Sino si Carmen sa totoong buhay. “Si Carmen naman sobrang takaw. As in matakaw talaga ako! Hindi mabubuhay nang walang kanin, hahaha!”
Dadag pa ng tatlong playgirls, ang kanilang ginagawa ay parang ‘yung nangti-trip lang, pero mahilig silang mag-enjoy pero ‘di nila hinahanap ang boys.
Naks, trabaho nga lang naman mga boys ‘wag ninyong seryusuhin nang masyado.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions, e-mail: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia