Maestro Meets Wanlu, The Artist Of Ventriloquism

GEDSC DIGITAL CAMERA GEDSC DIGITAL CAMERAPASYALAN NAMAN natin ang kakaibang daigdig ng isang stagecraft ng Art of Ventriloquism. Tungkol ito sa isang  puppeteer na pinasyalan natin sa Aphaland Southgate Mall sa Magallanes, Makati. Ang kilalang ventriloquist na si Wanlu o “Juancho Lunaria” sa tunay na buhay. Naririto ang kanyang paglalarawan sa canvas.

KUWENTO SA LIKOD NG PAGTATANGHAL

“Ah, nag-aral po ako ng dentistry. Pre-dental lang po. Kung hindi ninyo po naitatanong, ‘yung tatay ko po at saka iyong isa kong kapatid dentista. Even ‘yung lolo ko po.”

Ayon sa kanyang kuwento, noong siya ay bata pa, nalaman niyang hindi pala siya tunay na anak. Lagi niyang kinakausap ang sarili at ang kanyang mga laruan na tila nagsasalita ito. Hindi raw niya alam na mali-link siya sa pagiging ventriloquist.

Sa edad na 17, nagkaroon na siya ng anak sa kagustuhang magkaroon na ng sariling pamilya na ayon sa kanya ay sariling kanya, na masasabing parte niya. ‘Yung dad niya ay all-out ang support sa kanya dahil siya ang lumalabas na bunso sa magkakapatid.  Matapos siyang tulungan ng kanyang ama na makapag-umpisa ng buhay may pamilya, namatay naman ito. Lingid sa kanyang ina ay alam na niya na hindi siya tunay na anak.

Kalaunan nalaman niyang anak siyang tunay ng kanyang ama sa ibang babae, at doon nagkaroon na siya ng muhi sa kanyang ina lalo’t nang inaakala niyang iba ang pagtingin sa kanya ng kinamulatan niyang ina, ‘di katulad ng kanyang kinalakihang mga kapatid sa ama.

Na tinanggap lamang siya ng kanyang kinilalang ina dahil na lamang sa mahal nito ang kanyang ama, at kung hindi siya aarugain ay wala ng ibang tao na tatanggap sa kanya.  Kaya matapos niyang malaman lahat, naging galit ang kapalit ng pagmamahal sa kanyang nakilalang ina.

Nagkataong mayroon siyang kasama  sa gym n’ya na marunong mag-magic kaya nagpaturo siya. Noong mga unang booking niya bilang magician, nagpalpak pa ang kanyang magic. Kaya sabi ng asawa n’ya, tigilan na niya ang pagma-magic. ‘Di niya ito nagustuhan  at nasaktan siya. Nang kalaunan. naghiwalay na silang mag-asawa. Na-realize n’ya kaagad na lahat ng bagay ay may dahilan.

Ani Wanlu, “Sa ventriloquist ako nakilala kaysa sa pagiging magician”

Dito ay nagkita sila ng kanyang bagong pag-ibig sa katauhan ni Debbie, dahil sa pagma- magic. Pero hindi ito madaling matanggap ng kanyang mga anak.

Isang araw, nakilala niya ang isang dating kasamahan ng daddy niya kung saan niya tinanong kung nakilala nito ang kanyang tunay na ina. Nang puntahan ang tinutukoy ng kaibigan ng kanyang ama, nalaman niyang ito ang dati nilang katulong at may anak ito, na kapatid niya at may sakit na leukemia. Sa paghahanap niya sa kanyang ina, sinabi ng isa niyang anak na bakit hindi siya sumali sa TV para baka sakaling makita nya ang kanyang tunay na ina. Kaya iyon ang kanyang naging pangunahing dahilan sa pagsali niya sa Talentadong Pinoy. Ngunit kahit ganoon, binalikan pa rin niya ang kinilala niyang ina at sinabing mahal na mahal niya ito. Sinabi niyang malaki ang naging respeto niya rito.

Naging Hall of Famer puppeteer at ventriloquist sa Talentadong Pinoy sa TV5 si Wanlu. Nagpe-perform na siya simula 1980 ng kanyang kakayahan at galing sa ventriloquism gamit ang soft puppets, hard puppets at marrionets. Siya ay nakapagtanghal na sa Cultural Center of the Philippines, sa Star Cruises at halos nalibot na niya ang  Singapore, Thailand, Malaysia  at napabilang sa The Asean Puppetry Festival sa Kuala Lumpur at Vietnam. Mayroon na siyang hindi mabilang na mall shows, corporate events, product launching at  TV Shows dahil sa kanyang angking galing.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

Para mga nagnanais mag-komento, e-mail: [email protected]; cp # 09301457621

Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia

Previous articlePinoy Parazzi Vol 7 Issue 46 April 04 – 06, 2014
Next articleAnsabeee 04/05/14

No posts to display