GALIT na rumesbak si Maffi Papin Carrion, former That’s Entertainment member at Noble Queen Universe International sa mga namba-bash sa inang si Imelda Papin pagkatapos lumabas ang kontrobersyal na Iisang Dagat music video nitong Biyernes, April 24.
Isa si Imelda, ang Jukebox Queen ng Pilipinas at ngayon ay Camarines Sur vice governor sa kumanta sa music video kasama ang iba pang Chinese singers. Ang video ay ginawa ng China Embassy para ihandog sa mga frontliners pero para sa iba ay offensive ang dating nito dahil sa usapin ng South China Sea.
“If you have the right to react I do too! Kung wala po kayong magawa sa bahay ninyo at kung hindi mang bash ng tao . Baka gusto nyo po maghanap ng pagkakitaan or matulungan para hindi puro social media ang inaatupag ninyo!
“You are all so quick to judge people. When merely you have no clue of the persons intent. Kung hindi Unity,” simulang pahayag ni Maffi sa kanyang Facebook account.
Iginiit din ng panganay ni Imelda na hindi ang nanay niya ang totoong walang pinag-aralan, walang takot sa Diyos at traydor.
“By the way, sa lutong nang pagsasalita ninyo, sino po ang walang pinagaralan sa atin? At sino po ang walang takot sa Diyos? Naturingan pa kayong Pinoy.
“Kayo po ang nakakahiya. Bastos po kayo! Kayo ang traitor sa humanity! Lahat ang sasama makapagsalita! Hindi na kayo nag-isip muna bago magreact!
“Hindi niyo naisip na walang ibang pakay kung hindi puro kadumihan at negative! Reklamo dahil kulang ang tulong sa inyo. Dahil hindi makalabas at bored.
“Ngayon mas importante sa inyo na mag-bash ng tao na tumulong sa milyong milyong Pilipino. Mas importante sa inyo mangkutya ng kababayan ninyo dahil gusto ng Unity! Sorry po, pero huwag po kayo magmalinis. Kasi wala po kayong magandang idinudulot sa society kundi bullying!!!!!
“This is the biggest form of bullying! All of you that bullies anyone on social media. You are all trolls! You have no regard for life!” matapang niyang pahayag sa mga namba-bash sa mommy niya.
Dugtong ulit ni Maffi, “If you are so concern for the country you will see the “good” with the intention of the song.
“I am well aware of what’s happening and not ignorant. So why don’t you educate yourselves with proper human decency during this pandemic. Because I think it’s worse than what the virus is causing in the Philippines!
“And trolls, it’s your turn. Stop following us if wala po kayong common sense. Kasi nakakabobo ang reactions nyo po.
“Tulungan kayo or hindi lagi kayo may reklamo. Para sa good intentions may reklamo pa rin. I cannot fathom the type of thinking you all have. Mas concern kayo makasira ng tao kaysa magkaisa at gumaling ang mundo.
“Mahirap ba intindihin ang Iisang Dagat? You have no right to destroy people because wala kayong common sense !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
“You have no right to bring down anyone in this world. You have no right to say so much hateful words towards people that you don’t know.”
Sa bandang huli ng post ni Maffi ay ipinagdasal niya na magkaroon ng unity and healing sa bansa.
“Kung ginagawa sa anak, nanay, kapatid o kung sinong mahal nyo sa buhay ng tao ito ang ginagawa nyo sa amin, let us see how you react.
“I pray for Unity, Clarity, Blessings, Healing and Love!
P.S. Thank you for making us Viral and Trending!”
Si Maffi ay nag-aral ng Paralegal/Pre-Law sa UNLV (in Las Vegas, Nevada) kung saan sila nakatira noon bago sila umuwi ng Pilipinas.