Naisulat na namin ang tungkol sa gawain ng mag-asawang Liza Diño at Aiza Seguerra tungkol sa laban nila sa usapin ng ‘Kidapawan Massacre’. Saludo kami sa mga gawain ng mag-asawang Aiza Seguerra at Liza.
Noon pa man, very vocal na ang mag-asawa sa ganitong usaping na nasundan ko na lang ang mga advocacies nila sa isyung pangkababaihan, ang isyu ng mga Lumads at lately ay ang tungkol sa mga magsasaka sa Kidapawan.
Sa tulong ng mga kaibigan nila at kakilala, nangalap sila ng pondo para sa piyansa sa mga magsasakang nakakulong sa Kidapawan City Jail dahil sa pagsama nila sa rally last April 1, kung saan ang hininingi lang naman nila ay bigas mula sa LGU nila dahil gutom na sila.
Pagbabalita ni Liza Diño na out of 79 farmers na nakakulong, as of last week ay 66 na mga magsasaka mula sa hanay ng mga biktima ng karahasan ay nakalaya na.
Sa katunayan, binabaan ni Kidapawan City Municipal Trial Court Judge Rebecca de Leon ang piyansa na mula sa P12,000 ay naging P6,000.
Sa kanyang social media account, sinulat ni Liza: “God news to everyone we were able to raise funds to cover the whole amount of P546, 000.00 to bail out our farmers.”
Malaki ang pasasalamat nina Liza at Aiza sa mga kasamahan nila sa industriya (na ayaw nang magpabanggit ng mga pangalan ng iba) na nag-ambag para sa kalayaan ng mga magsasaka.
Pero gusto ng mag-asawa na i-credit sa mga kaibigan nila ang mga naiambag nila sa pagbubuo ng bail ng mga magsasaka.
Sa Instagram account ni Aiza, naka-post ang ilan sa mga taga-showbiz na gusto nilang pasalamatan na tumulong sa kanila tulad nina: Ogie Alcasid and Regine Velasquez, Ai Ai delas Alas, Carmina Villaroel, Dingdong Dantes, Ara Mina, Sitti, CJ Caparas, Juris Fernandez, Sylvia Sanchez, Richard and Maricar Poon; Jaycee Parker, Katrina Halili, Carmi Martin, Valerie Concepcion, Jackie Rice, Beverly Salviejo, Princess Velasco, Arlene Muhlach, Giselle Sanchez, Bayang Barrios, Ayen Laurel, Sherilyn Reyes, at mga katropa ng dalawa sa banda o tugtugan.
Bukod sa pagkilos nina Liza at Aiza na nangalap ng pang-bail sa mga magsasaka, may mga artista na ring naparating ng mga tulong nila sa mga ipinadalang mga saku-sakong bigas.
Sa social media accounts namin sa Instagram and Twitter (@rkvillacorta), patunay lang na marami ang supporters at naniniwala sa laban nina Liza at Aiza sa mga likes nila sa mga postings namin.
Para sa dalawa, mabuhay kayo, Liza at Aiza!
Reyted K
By RK VillaCorta