Saludo kami sa mga gawain ng mag-asawang Aiza Seguerra at ni Liza Diño.
Sa tulong ng mga kaibigan nila at kakilala ay nangalap sila ng pondo para sa piyansa ng mga magsasakang nakakulong ngayon sa Kidapawan City Jail dahil sa pagsama nila sa rally last April 1, kung saan ang hininingi lang naman nila ay bigas mula sa LGU nila dahil gutom na sila.
Pagbabalita ni Liza na out of 79 farmers na nakakulong na as of Wednesday, 66 mula sa hanay nila ay nakalaya na.
Sa katunayan, binabaan ni Kidapawan City Municipal Trial Court Judge Rebecca Deleon ang piyansa na mula sa P12,000 at naging P6,000.
Sa kanyang social media account, sinulat ni Liza Diño: “God news to everyone we were able to raise funds to cover the whole amount of P546, 000.00 to bail out our famers.
Malaki ang pasasalamat nina Liza at Aiza Seguerra sa mga kasamahan nila sa industriya (na ayaw nang magpabanggit ng mga pangalan) na nag-ambag para sa kalayaan ng mga magsasaka.
Bukod sa pagkilos nina Liza at Aiza na nangalap ng pang-bail sa mga magsasaka, may mga artista na ring naparating ng mga tulong nila sa mga ipinadalang sako-sakong bigas.
Mabuhay kayo, Liza at Aiza!
Reyted K
By RK VillaCorta