OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo.
Hay, naku! Natapos na rin ang pag-file ng mga kakandidato sa 2013 elections. Siyempre ang pag-uusapan natin ay ang mga artistang nag-file at mga nag-iinarte lang. Hindi natuloy ang pagkandidato ni Kuya Germs sa Q.C. bilang mayor, kasi kinausap yata ni Bistek, at talagang hindi niya linya ang politics.
Sa Bulacan naman, disqualified si Philip Salvador bilang vice-governor na makakalaban ni Vice-Gov. Daniel Fernando, at nakausap ko si Vice-Gov. Daniel nang umaga ng Oct. 5, last day ng pag-file ng mga kandidato. Wala pa raw nag-file na makakalaban niya.
Sa Ormoc naman, nag-file na rin si Lucy Torres-Gomez, re-electionist bi-lang congresswoman, at ang kanyang asawang si Richard Gomez ay bilang mayor ng Ormoc.
Si Aga Muhlach, ok, hindi siya disqualified sa pagtakbo niyang congressman sa Camarines Sur. Si Imelda Papin, tatakbo namang congresswoman ng San Jose del Monte City. Marami ang nag-suggest sa akin, bakit hindi raw sa kanyang bayan sa Bicol. Hindi kasi nila alam na matagal nang may bahay si Imelda sa San Jose del Monte, at umuuwi siya roon ‘pag may pagkakataon. Doon tumitira ang iba niyang kapatid.
Dito naman sa Q.C. sa 5th distric, kasi ang dating 2nd district, pinaghati sa tatlo at mayroon na ring 6th district, at ang tatakbong congressman ay si Alfred Vargas at mahigpit niyang makakalaban ang dating broadcaster na si Gani Oro, at dating Congresswoman Susano.
Pero marami ang naloka sa mag-asawang Manny Pacquiao at Jinkee. Kasi nga nu’ng birthday raw yata ng kanyang anak na si Princess, halos lahat ng mga local media, at national na nandoon, tinanong ang mag asawa kung walang balak tumakbo si Jinkee. Sagot daw ni Manny, never daw, kasi hindi na nga raw kaya ni Jinkee ang mag-asikaso sa mga negosyo at pamilya. Lunes ito ng gabi nangyari, tigas niyang sinabi na talagang wala sa bokabularyo ni Jinkee. Kaya nu’ng si Jinkee naman ang tinanong, gano’n din ang sabi, walang-wala raw talaga siyang balak at todo-iling.
Sino naman ang hindi maloloka, kasi kinabukasan, lumipad na sila sa GenSan, pagkatapos bumiyahe na sila papuntang Sarangani, nag-file ng certificate of candidacy si Manny bilang re-eleksiyonistang kongresista at si Jinkee naman bilang vice-governor ng Sarangani.
Kaya ayon, sobra ang inis ng mga nag-interview sa kanila. Kasi sila ang lumabas na sinungaling dahil pinaikot sila nu’ng mag-asawa. Kasi nga naman, iba ang kanilang sinabi sa ginawa nila kinabukasan. Kasi nga naman, bakit nila ipinaglilihim at pinaikot nila ang media? Isang napakalaking BAKIT?.
Ang nakakaloka pa, kasi itong si Jinkee, nagtatago sa mga reporter na gustong mag-interview. Kasi takot siyang magsalita ngayon. Paano kaya siya mangangampanya? Only in the Philippines, ‘di ba?!
Tingnan natin kung ano ang mga batikos na matatangap nina Manny at Jinkee, na kahit nasa kanila na ang pera, iba pa rin ang prinsipyo na hindi nababayaran. Tulad ko, ngayon nga marami na ang nagsasabi na ambisyosa itong si Jinkee. Kasi nga naman, gusto rin niyang magkaposisyon, at kapag nakalusot sila siyempre, bilyon yata ang pondo nang mag-asawa. Alam mo naman ngayon ang karamihan, money talks.
Magagamit na ni Jinkee ang mamahalin niyang alahas, bag at sapatos pagpasok sa opisina. Oh, ‘di ba, bongacious nga naman?! Palakpakan ang mga mapepera. ‘Yan ang labanan ngayon sa eleksyon, kung hindi sikat na artista, mapera ka, walang aangal!
NEXT CHIKKA naman. Ito ang mga nakawiwindang na eksenang chikka. Kumustahin naman natin itong nu’ng nakaraang linggo, nag-launch ng latest album ang hinahangaan kong singer na si Gerald Santos, the Prince of Ballad. Ang kanyang single ay ang pinasikat ni Chad Borja na Ikaw Lang na sana marinig na rin sa mga FM station.
Matagal ko na siyang iniimbita sa aking program, kaya lang laging busy ang linggo niya. Kaya nu’ng 73rd anniversary ng DZRH, siya ang naging special guest singer namin at mapalad na siya rin ang napiling gumanap na title role sa San Pedro Calungsod, The Musical sa Peta theatre sa Oct. 21 and 27, 2012 with matinee show. Kung natatandaan n’yo, siya rin ang gumanap na Rizal sa Sino Ka Ba, Jose Rizal?.
Sasamantalahin ko na rin pala ang pasasalamat sa kanya na pinaunlakan ang imbitasyon ko sa 73rd anniversary ng DZRH.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding