Hindi lang pagiging producer ang pinagkakaabalahan ng mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmienta. Owner din sila ng newly open na Salu Filipino Restaurant in Quezon City. Nilinaw ng actress na hindi sila lalahok sa darating na MMFF 2016 dahil alinlangan sila baka hindi raw mapili ang pelikula
nila for the festival. Paliwanag ni Harlene, “‘Yung gusto namin pelikula matrabaho at malaki ang capital. Paano kung hindi ka mapili? Medyo nakakatakot. Not this year, hopefully next year. Gusto naming mapaghandaan kasi nakatatakot na gagastos ka nang malaki tapos hindi matatanggap. Ngayon naman kung hindi pang –festival, commercial run, papasukin ka ba o hindi?”
Mas priority ng Heaven’s Best Entertainment ang gumawa ng indie film for international release kaysa commercial film. “Sa ngayon du’n kami nalilinya. Kasi parang ‘pag sa mainstream, mahirap. As business people, we want to earn. Kaya lang, ang hirap makipagsapalaran sa commercial sa mainstream. Kailangang may big star ka, may makinarya ka, ang hirap. Siyempre ‘yung pagpo-produce ngayon hindi naman mura, ‘di ba? So ‘yung kikitaan mom hindi mo alam kung mababawi mo talaga, nakatatakot,” say ni Harlene.
Pagdating sa mga indie project na inaalok sa kanila, pinag-aaralan talaga nila ang material, casting, director bago nila ito i-produce. “Mapili talaga kami. At least, man lang hindi commercial, pero kumita,
‘yung tipong tatagal, iikot siyang talaga locally and internationally,” wika niya.
Masuwerte si Harlene dahil ang ilan sa mga pelikula nila, nakapasok sa mga international film festival. “Of course, we we’re blessed naman, some of our films nasali namin sa mga international film festival, na-recognize naman talaga. So far, okay naman dahil magaganda naman ‘yung mga movies na nasalihan namin. “Hustisya”, “Magkakabaung”, “Children Show”, “About The Clouds”, “Imbisibol”.
Kahit medyo mahirap para kina Harlene ang mag-produce ng pelikula dahil sa laki ng kapital, itutuluy-tuloy pa rin nila ang paggawa ng mga makabuluhang pelikula. “‘Yun na ‘yung contribution naming magkakapatid sa movie industry. Filmmaking is an advocacy, kailangan talagang nandu’n ‘yung passion mo. Otherwise, kung negosyo lang ‘yan, gawa ka lang nang gawa ng pito-pito… Ang nangyayari ngayon, ang filmmakers ang pumupunta sa amin, nagpo-propose, nagpi-present sa amin, and then kami naman, pinipili namin talaga kung ano ‘yung tingin naming, magpi-fit sa Heaven’s Best Films. May mga guidelines din kami sa production, sa project at director kung ano ‘yung sinasabi ng kuwento. Siyempre gusto naming makagawa ng pelikula na kikita. Hanggang ngayon, umiikot pa rin ‘yung mga pelikula namin sa mga school, niri-request pa rin siya… “Hustisya”, “Burgos”, “Kamkam”, at “Magkakabaung”. Actually, ‘yun mga indie, may mga ilan nang nakabawi na kami. Hihintayin muna naming makaikot lahat, before we release sa DVD. Nasa ten films na kami, kasama ‘yung hindi pa naipalalabas,” pahayag ng magaling na actress-producer.
Nag-loan sa bangko ang mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmienta para makapag-produce ng indie films. “We tried to pay para makare-load uli. Maglo-loan kami some amount kaya nga hindi kami palagi gumagawa ng film kasi nga kailangang makabawi, mag-ipon, gumawa muna ng iba. “Hiblang Abo” sa Cinemalaya at
“Larawan”. So blessed naman kami, magaganda ‘yung project,” sambit pa ni Harlene.
Willing pa ring gumawa ng pelikula sina Harlene at Romnick, kailangang kakaiba ang role na kanilang gagampanan. Katuwiran ng actress, “Okay naman, pinipili lang namin ni Romnick ‘yung project at role. Lalo na ngayong may edad na, bawal na ang magpuyat at may limang anak. Si Romnick nagbibigay siya ng talk sa youth, sa ministry. Kung mapanonood siya ng tao sa TV na walang redeeming factor, hindi nagbago. ‘Yun ‘yung pinipili naming, ‘yung pinarusahan, nagbago.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield