BLIND ITEM: NATAWA naman kami sa kuwento sa amin. Totoo ba ‘to? Sa isang location shooting daw, eh may mag-inang gumawa ng “milagro”?
Ganito kasi ‘yon. ‘Di ba, sosyal na ang mga taping ngayon ng teleserye? ‘Pag outdoor, gumagawa na lang ng tent na may aircon. Tapos, ang pinaka-CR naman pag naiihi ay ang portalet, ‘di ba?
‘Eto na. Since probinsiya ang location. Nako, ang mag-ina, magkasunod pang “tum_e” sa portalet, kalokah. Nalokah ang mga crew at ibang artistang naroon.
Hindi na nila maihian ang portalet ng mga girls, dahil may mga floating kembular na doon sa basin.
Kami naman, feeling namin, ang akala talaga ng mag-ina eh puwedeng syoehan ‘yon. Pero hindi na muna kami magbibigay ng clue, dahil malay naman natin, sa kanila lang ibinintang ang mga “syoe” na lumalangoy-
langoy doon, ‘di ba?
NAKAKALOKAH. NAG-ENJOY NGA itong si Kim Chiu kasama ang iba niyang friends sa panonood ng bonggang concert ni Taylor Swift sa Araneta Coliseum, pero bigla naman siyang nalungkot.
Dahil ang kanyang celfone (na blackberry torch daw) ay nanakaw. ‘Eto nga’t ang daming nagtu-tweet sa amin. Baka raw ‘yung nagnakaw ay may ma-discover na mga “sweet moments” doon sa phone.
Ano ba ‘yan? Parang wala naman sa tipo ni Kim na mag-save ng kalaswaang video sa phone niya, ‘no! Ang dapat na-ting ipag-pray ay sana, mapag-isip-isip ng nagnakaw na isoli ang phone niya.
O, kung nahulog man ni Kim ‘yon at may nakapulot, sana naman, maisoli. Baka malay mo, bigyan siya ni Kim ng gano’n din bilang gantimpala sa kanyang pagmamagandang-loob, ‘di ba?
Sana, may mga honest pa ring tao, ‘no?
BONGGA. ‘YAN NA lang ang na-sabi namin sa ganda ng full trailer ng Minsan Lang Kitang Iibigin. Mga hebigat ang mga kasaling artista. Juice ko, ang bigat din ng production cost nito.
Nandiyan sina Ronaldo Valdez, Tonton Gutierrez, John Estrada, Lorna Tolentino, Amy Austria-Ventura, Boots Anson Roa, Maja Salvador, Andi Eigenmann at si Coco Martin.
At ang mga younger versions ng ilan ay sina Kim Chiu, Erich Gonzales, Albert Martinez. Ikaw na, di ba?
May paimbita pa ang ABS-CBN para sa bonggang preview ng ilang episodes sa mga piling-piling bisita, kaya again… ikaw na, ‘di ba?
NIYAKAP KAMI NANG buong higpit ni KC Concepcion nu’ng mag-guest siya sa E-Live. Panay ang thank you niya sa amin. Siguro, mga limang beses kasabay ng mahigpit niyang yakap.
“Alam n’yo na po ‘yon kumbakit. Basta salamat po talaga!”
Oo naman. Basta kami’y haping-happy for KC and Papapi. Kung ayaw man o tutol ang iba sa relasyon nila, ang importante ay ‘yung nararamdaman nila para sa isa’t isa.
BAKA ME ORAS kayo. Bisitahin n’yo naman po ang aming mga entries sa http://www.ogiediaz.blogspot.com. Mag-follow na kayo at mag-comment kayo para “ganahan” pa ka-ming sumulat, hehehe!
Salamat sa mga nakagusto. Sa mga hindi nakagusto, salamat pa rin, dahil nag-effort pa rin kayong basahin ito. Sa mga nasaktan, wala ka-ming intensiyong manakit ng damdamin.
Sa mga naghihiganti sa pamamagitan ng pag-iimbento ng kuwento, makakaasa kayong hindi namin kayo babawian ng pag-iimbento, dahil hindi namin kaya ‘yon. At least, kayo, kaya n’yo.
Oh My G!
by Ogie Diaz