SANAY KAMI na kapag uma-attend ng misa ay sinasabi ng pari ang, “Itigil ang paggawa ng masama, ang kabuktutan, ang pakikiapid at kamunduhan.”
Pero nu’ng nagsimba kami sa itaas ng Crossings National Bookstore sa Quezon Avenue (sa 10:30am mass), ang kahawig ng broadcaster na si Mike Enriquez ang pari.
At dito ko lang for the first time narinig na sa halip na kamunduhan ang sabihin ay talagang ang lutong ng pagkakabigkas niya ng “kalibugan”.
Hindi naman kami santo, pero hindi lang siguro kami sanay na isang pari ang magsasabi ng gano’ng salita.
SINUSULAT NAMIN ito’y tinitingnan namin ang mga litrato sa google ni AJ Perez. Parang kelan lang, April 17, 2011 nang bawiin ang buhay ni AJ ng isang car accident.
No’ng Feb. 17 naman, Saturday, birthday ni AJ, 18 na sana siya. Kaso nga, wala na siya. Nalulungkot na naman kami.
Malapit sa amin ang batang ito, eh. Saka alam mo ‘yon, pasikat na ang batang ito, naudlot lang.
Pero kahit naman anong tanong mo at pagtataka, ang bottomline pa rin ay nandiyan na ‘yan, nangyari na, nasa heaven na si AJ.
Hindi na natin maibabalik pa ang buhay na si AJ. So, kung si AJ ay kapiling na ni Lord eh, ‘di move on na tayo.
And we know na ang pamilya ni AJ, sina Daddy Gerry, Mommy Marivic at nag-iisang kapatid na si Gelo ay naka-move on na rin.
Buhay tayo ngayon, kaya dapat, alagaan ang buhay at gawin ang makapagpapasaya sa ‘yo nang wala kang ibang taong tinatapakan.
Hindi natin alam kung kelan tayo kukunin ni Lord, kaya make the most out of the borrowed life, ‘ika nga, nang walang sinasagasaang ibang tao.
“CURIOUS LANG talaga ako, eh. Papaano napaibig ng isang mayor ang isang Nadia Montenegro?”
‘Yan ang tanong ni Joey Marquez sa Showbiz Inside Report nu’ng Sabado pagkatapos niyang mainterbyu si Nadia at ang buhay pag-ibig nito kay dating Mayor Boy Asistio.
Hiniritan namin si Manong Joey ng, “Juice ko, Manong Joey, alam mo ‘yan, dahil naging mayor ka.”
Hahahaha!
SIMULA NGAYONG gabi, mapapanood na pagkatapos ng E-Boy at bago mag-Budoy ang Walang Hanggan.
Honestly, hindi namin alam kung bakit nag-swap ng timeslot ang Budoy at Walang Hanggan. Pero pabor ‘yon sa Walang Hanggan, dahil mapapaaga ang kanilang panonood.
Nakakatuwa na ang pinagpapaguran mo ay naa-appreciate ng mga tao, tulad na lamang na may isang ale na lumapit sa amin sa simbahan para lang batiin kami dahil ang galing daw lahat ng cast ng Walang Hanggan.
Kinumusta pa sa amin si Coco Martin habang galit na galit naman ito kay Tomas.
Naaliw kami, dahil affected na affected na ang buong bayan sa kapana-panabik na tagpo sa Walang Hanggan, ang nangungunang primetime teleserye ngayon ng Dos.
GUSTO RIN naming batiin ang bumubuo ng UnOfficially Yours dahil tabong-tabo ito sa takilya, in fairness.
Ang galing naman kasi ng pagkakadirek nito at very kilig to the bones ang mga love scenes nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.
Lalo na ‘yung kalabugan scene nila sa kuwarto na halos ‘yung apat na sulok ng kuwarto ay pinuntahan na nila para lang mailabas ang init ng kanilang katawan.
Hahahaha! Aliw na aliw kami roon.
Saka tatamaan kayo sa eksena ng mag-inang Tetchie Agbayani at Angel sa kanilang “advice portion”.
Napanood n’yo na ba?
Hay, naku, kung hindi pa, nood na, dahil hindi sayang ang pera n’yo, promise.
Oh My G!
by Ogie Diaz