BAYANI KUNG ituring ng Haiyan Disaster Governance Initiave (HDGI) ang mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla dahil sa pagma-mount nila ng free concert sa mga kababayan sa Tacloban few months ago para kahit papaano ay mapasaya ang mga taong nabiktima ng bagyong Yolanda nu’ng November last year.
More than 25,000 ang dumagsa sa free concert at kahit muntik na itong hindi matuloy dahil sa mga gustong humarang na pulitiko, ipinaglaban pa rin nila ito at itinuloy.
“Ibang klase ‘yung ginawa ng mag-ina. Malaking effort ‘yon na nag-produce sila ng free concert sa Tacloban. Daniel shared his talents and that is very inspiring sa mga kagaya niyang teenager,” pahayag ni Carlo Maceda na tubong Tacloban, Leyte rin at isa sa principal movers ng HDGI.
Dahil sa ginawa ng mag-ina, gagawaran sila ng Handumanan Award sa Biyernes, Nov. 7, sa isang libreng thanksgiving concert titled Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle, 4 p.m. to 12 midnight. Kabilang din si Anderson Cooper ng CNN sa recipient ng Handumanan Award.
Handumanan is a Visayan term for “tribute”. “It’s also like a “heroe’s award” na ibibigay sa mga indibidwal o grupong nagpakita ng kabayanihan o inspiring stories before, during and after the Yolanda storm,” dagdag pa ni Carlo.
Kasama ni Carlo sa pagbuo ng Handumanan free concert ang best friend at former Tacloban City Administrator-advocate na si Atty. Tecson Lim. Ang award-winning song ni Rico Blanco who is also from Leyte na Liwanag sa Dilim ang gagamiting thanksgiving concert’s carrier song.
Kabilang nga pala sa magpi-perform sa free concert sa Friday ay sina Kitchie Nadal, South Border, Rocksteddy, Jireh Lim, Mayonnaise, Imago, Myrus, Philippine Philharmonic Orchestra, at iba pang mga sikat na banda.
La Boka
by Leo Bukas