KINSA SILA? TAWA kami nang tawa sa kuwento naman ng aming kaibigang baklita. Dahil nabanggit lang namin ang salitang tumutukoy sa isang posisyon sa gobyerno ay naglitanya agad siya na, “Naku may blind item pa naman ako sa kanya at sa kanyang ina.”
Ang siste, sa isang event na imbitado itong mag-ina, late daw itong dumating. So siyempre late na nga so parang kakaunti na lang ang pagkain. Kung ano ‘yung nakasaad sa menu ng event, ‘yun lang dapat ang kaninin. Kaso rin daw tipilya (type) ng mag-ina ang mga natirang pagkain, kaya umorder daw sila nang umorder ng mga food na labas sa kung ano man ang nakasaad sa menu ng nasabing event. Ang mamahal daw nang pagkain na inorder nila na umabot na sa sampung libo ang bill. Pagkatapos nilang kumain, dumating ang bill sa kanilang mesa, pero ayaw raw magbayad ng mag-ina kasi imbitado naman daw sila sa event. Paliwanag ng waiter, hindi kasama sa free food at drinks ang kanilang mga inorder kaya kailangan nila itong bayaran.
So, imbiyerna na ang mag-ina, nang biglang may nakita silang kaibigang mayaman. Kinausap nila ito, binola-bola at hiniritan daw na i-paysung ang kanilang nakain. Tumanggi ang kanilang friend na magbayad at wala raw itong cash, (palusot lang daw) kaya ang ending, nagbayad na rin ang mag-ina. Siyempre masama ang kanilang loob dahil ten-quit (10k) nga naman ang kanilang binayaran. Dapat lang siguro, ‘noh, kasi nasarapan naman sila sa kanilang kinain, unless inorder ito nu’ng nagpa-event para sa kanila, kaso hindi.
Hirit pang clue nang aming source, “Ay naku day, ayaw ng mga tuko niyan!!!”
(By Arniel Serato)