SAYANG ANG isang production number sa nakaraang Star Awards for Music. Maganda sana kung kumpleto at andu’n si Sharon Cuneta at ang anak niyang si KC Concepcion.
Ang concept, ipinapakilala ang mga anak na mga singers ng mga OPM Icons with the likes of Martin Nievera, Pops Fernandez, Kuh Ledesma at Gary Valenciano. The kids singing their mom or dad’s first hit song.
Nakasira ang portion ni KC na kahit inimbitahan ng casting director na si Mae Esguerra, deadma ang Viva Artist Management sa request ng PMPC.
Daming dahilan daw sabi ni Mae sa amin last Sunday, kung saan ginawa ang awards ceremony na mapapanood sa Kapamilya Network sa darating na linggo sa kanilang Sunday’s Best.
Maging si Sharon na suppose to be ay tatanggap ng parangal mula sa PMPC (Philippine Movie Press Club) dinedma rin ng Megastar.
May commitment “daw” say ni Mae sa amin nang mapuna namin ang kakulangan ni Mega sa naturang eksena.
Sa pagkawala ni KC na dapat sana ay kakantahin niya ang mga awitin na pinasikat ng ina, ang mga back-up vocals na lang ang pumuno sa naturang eksena para hindi lang mabutas ang number.
Nice to see and hear the kids of our OPM Icons. Magaling si Robin na anak nina Pops at Martin. Mana sa amang si Gary Valenciano ang boses ng anak na si Paolo. Napaka-powerful ng boses ni Isabella (anak ni Kuh) at si Karylle (in exchange sa slot ng half sister na si Zia Quizon) na hindi nakarating at binabantayan ang inang si Zsa Zsa, ay ayos na sana ang mga eksena.
Maiintindihan ko kung bakit wala si Zsa Zsa at valid naman ang dahilan.
Pero ‘yong absence nina KC at Sharon sa mahalagang event, I don’t know kung ito ang simula na naman ng pagtatampo ng mga PMPC sa mag-ina.
TODAY ANG showing ng inaabangan kong pelikula na The Mistress na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo kasama sina Ronaldo Valdez at Hilda Koronel.
Kaya nga nag-beg off na ako sa meeting ko sa isang organization mamayang gabi at hindi ako a-attend dahil naka-schedule akong manood ng naturang pelikula mamayang gabi.
On the other hand, what if sa kuwento ng The Mistress ay si John Lloyd kaya ang “Keptman”; Ano kaya ang mangyayari sa ganu’ng istorya na ang lalaki ang main conflict ng isang pagsasama ng mag-asawa?
Will it be interesting tulad sa kuwento na ang babae ang main conflict?
Sa panahon na kadalasan ang babae ang main bida ng kuwento, why not make a story na ang lalaki ang dahilan at pasimula ng argument ng isang pelikula.
I want to see JLC na siya ang dahilan ng pagkawatak-watak ng isang pagsasama.
Mukhang interesting, huh!
MUKHANG SI JM Guzman ang tinutukoy ng mga blind items.
Siya ang nagwala at nagbasag sa nakaraang Star Magic Ball na ginawa sa Shangri-la Hotel Ballroom na binayaran lang ng Star Magic ang danyos para hindi na lumaki ang kuwento.
Siya ang sinasabing bagong talent ng Kapamilya Network na diumano’y “la-senggo”.
‘Pag hindi naawat ang binata, malamang ang kauuwian niya ay ang ending ng career ni Baron Geisler.
I hope not. Ke aga-aga, madidiskaril ang karir ni JM.
Last Saturday, nagkaroon ng surprise party (salubong dahil Sunday Sept 9 ang birthday ng aktor) si JM with friends like Joross Gamboa, Carlo Aquino, Inah Asistio and boyfriend Mark Herras at Jennica Garcia.
Reyted K
By RK VillaCorta