AS ALWAYS, bukas ang palad ni Sharon Cuneta sa mga taong nangangailangan talaga ng tulong. Lalo na sa trahedyang nangyari sa Ormoc, Samar, Tacloban, Leyte, Cebu, Palawan at iba pang probinsiya dinaanan ng super typhoon Yolanda. Agad-agad nagbigay ng donasyon ang Megastar ng P10 million sa mga naging biktima ng bagyo. Maging si KC Concepcion ay nagbigay rin ng P5 million sa Sagip Kapamilya, tulong sa ating mga kababayang nasalanta ng super typhoon.
Likas na kay Sharon ang tumulong sa kapwa kahit nu’ng bata pa lang siya. Sa totoo lang, maraming charity organization na ang natulungan niya. Hindi na rin mabilang ang mga students na binigyan nito ng scholarship para makapagtapos ng pag-aaral at makatulong sa kanilang pamilya. Nasaksihan ni Sharon kung papaano ang ginagawang charity works ng kanyang ama si Mayor Pablo Cuneta sa Lungsod ng Pasay.
Ang ganitong pag-uugali ng Megastar ay namana niya sa butihing amang si Ka Ambo, na minana naman ni KC sa kanyang lolo at mapagmahal na inang Sharon. Bukal sa puso ang ginagawang charity works ni Sharon, hindi kailangang ipagmaingay o bigyan ng publicity ang pagtulong ng isang tao. Tahimik lang siyang tumutulong sa kanyang mga kababayan na walang hinihintay na kapalit, ‘yan si Madam Sharon Cuneta, The Megastar.
NANG DAHIL sa malagim na trahedya ng typhoon Yolanda, nagkaisa ngayon ang Kapamilya, Kapuso at Kapatid networks, pati na rin ang mga celebrity na magsanib-puwersa para makalikom ng cash or in kind donations para ibahagi sa ating mga kababayan sa iba’t ibang probinsiya na biktima ng bagyong si Yolanda.
Sa It’s Showtime, nagbigay ng announcement si Vice-Ganda na ibinebenta niya ang brand new motorcycle na bigay sa kanya ng Kawazaki para i-donate sa mga typhoon victim.
Nag-garage sale ng kanilang mga gamit ang mag-dyowang Anne Curtis at Erwan Heussaff na umabot ng P370,000 na ido-donate nila sa World Vision.
Sa TV Patrol, sinabi ni Angel Locsin na ibinenta nito ang 1970 Chevrolet Chevelle para ibigay sa Sagip Kapamilya.
Nakiisa rin sa pagdo-donate ang loving couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na nagbenta rin ng watch at signature bags.
Siyempre, hindi puwedeng mawala sa listahan ang utol ni PNoy na si Kris Aquino na nag-donate ng P400,000 plus canned goods sa mga typhoon victims. Ang nasabing halaga ay personal na ibinigay ng Queen of All Media kay Cong. Lucy Torres ng Ormoc, Leyte. Nanawagan rin siya sa kanyang Kris TV na gustong mag-donate. Maraming tulong ang nalikom ni Kris, in-cash at in-kind na ipapamamahagi sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Teka, marami ang nagtatanong, bakit ganu’ng halaga lang ang ibinigay ng TVhost/actress sa mga typhoon victims ng Yolanda? To think, utol niya si PNoy na kailangan talaga ng tulong. May nagsasabi na dapat daw ngayon na simulan ni Kristeta ang pagpapalapad ng papel sa taong bayan dahil may plano itong tumakbo sa 2016 election bilang Mayor.
Kung ang mag-inang Sharon (10 million) at KC (5 million), at Angel, nakapagbigay ng milyones, bakit ang isang Kris Aquino, wala pang one million ang donasyon niya? Milyones nga raw ang kinikita nito sa kanyang mga product endorsement, ganu’ng halaga lang ang ibinigay niyang tulong sa mga biktima ni Yolanda?
Paki-sagot please, Alex Brosas?
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield