NAKIBALITA NA lang ako sa mga bading na matagumpay naman daw ang nakaraang Star Awards for Movies na ginanap sa Meralco Theater nu’ng kamakalawa ng gabi.
Siyempre waging-wagi ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni Gov. Er Ejercito na siyang nakakuha ng maraming awards.
Nakamit na rin ni Gov. ER ang inaasam-asam niyang Best Actor trophy sa pelikulang ‘yun, pero naka-tie nga lang niya si Aga Muhlach.
Matagal na kasing pinag-uusapang wagi na raw talaga si Gov. ER sa Star Awards at pati nga si Angel Locsin ay matagal ko na ring narinig ‘yan.
‘Yun na nga ang winners, ‘di ba?
Bukod sa nag-tie ang Best Actor, tie din sa Best Supporting Actor sina Baron Geisler at Jake Cuenca.
Naku, huh! Sino kaya sa kanila ang kailangang pagbigyan?
Anyway, congratulations na rin sa mga winners.
Sunud-sunod na ‘yang mga awards night na ‘yan.
Meron na ring winners ang Young Critics Circle at wagi nga riyan bilang Best Performance si Diana Zubiri.
Kagabi naman yata ang Gawad Tanglaw, at sa susunod na linggo naman ang Golden Screen Awards ng EnPress.
Pagkatapos niyan, ang Urian naman at ewan ko kung merong Famas at Luna Awards.
Abangan na lang natin kung sino naman ang mga winners nila.
SANDALING NAKAUSAP ng Startalk crew namin ang isa sa mga hosts ng Star Awards for Movies na si KC Concepcion tungkol sa hidwaan ng lola niyang si Helen Gamboa at ng Mommy niyang si Sharon Cuneta.
Naging open na kasi ang dalawa sa kanilang gap dahil sa pulitika.
Pero ayaw namang magkomento ni KC dahil hindi naman daw niya alam ang tungkol diyan.
Hindi rin daw niya alam kung saan ito nanggaling, kaya “no comment” na lang daw siya.
Mukhang lalala pa kasi itong isyu nina Helen at Sharon dahil pareho silang nagsalita na.
HINDI NAMAN pala nakasipot sina Jose Manalo at ang asawa niyang si Annalyn sa preliminary hearing ng kasong Rep. Act 9262 na isinampa laban kay Jose.
Alam ko, hindi talaga darating si Jose, pero itong si Annalyn daw ay tumaas daw ang blood pressure niya kaya hindi ito nakara-ting.
Ang abogado lang nila ang dumating doon sa San Juan Pro-secutor’s Office nu’ng Miyerkules ng umaga na wala naman daw nangyari kasi pina-reset daw ito ng abogado ni Jose.
Dapat pala ay magsa-submit na si Jose ng kanyang counter-affidavit sa complaint ni Annalyn, pero pina-move nga raw nila ito ng March 26.
Sinabi naman ng abogado ni Annalyn na pinag-iisipan din daw nitong magsampa ng panibagong kaso laban kay Jose.
Bigamy raw ang isasampa nila dahil nga raw sa pakiki-pagrelasyon nito sa ibang babae.
Pero itinatanggi ito ni Jose at magsasalita naman daw siya tungkol dito sa tamang panahon.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis