HINDI namin pinalagpas ang unang araw ng showing ng pelikulang ‘Born Beautiful’. Maliban sa naging memorable sa amin ang 2016 LGBT film na ‘Die Beautiful’ na pinangunahan ni Paolo Ballesteros as Trisha, curious din kami kung paano ang magiging atake ni Martin del Rosario bilang Barbs Cordero na unang ginampanan ni Christian Bables.
Sa trailer na kumakalat ay halata na mas mapaglaro at mas light ang approach ng Born Beautiful compared to the first film. Sa mga kumakalat na videos ay naipakita na palaban si Martin sa pakikipaglaplapan sa kanyang leading men na sina Kiko Matos at Akihiro Blanco.
Napakaganda ni Martin sa mga eksena niya na siya ay naka-drag. Para siyang batang Dawn Zulueta na wish namin ay ipasok sa third installment ng movie as Barbs/Bobby’s mom. Bongga ‘yun, ‘diba?
May mga eksena si Martin na naka-ordinary male outfit ito at kahit ang mga katabi namin sa sinehan ay sinasabing ang ‘hot’ ni Martin as a guy. Nakakaconfuse tuloy! Ganda niya as a girl, ang pogi din as a boy! Lakas maka-gender bending machine! HAHAHA!
Pagdating naman sa male stars ng pelikula ay naipakita ang ‘pros and cons’ ng pakikipagrelasyon sa kanila. Hindi typical ending ang romantic angle ng pelikula at sa katunayan ay nabitin kami. ‘Yun pala, magkakaroon ng series version ang kuwento at first five of twelve episodes ang ipinakita sa movie.
Light ang approach ng pelikula pero malalim ang hugot nito lalo na sa eksena sa retreat at ang mga special cameos ni Paolo Ballesteros na naloka kami dahil nagsuot ito ng drag bilang isa sa religious images natin. Naku, patawarin niyo po kami at natawa kami.
Panoorin ninyo ang ‘Born Beautiful’ dahil sure ako na paglabas ng sinehan ay fresh na fresh ang magiging perspective ninyo sa beautiful life. Pak!