SIPAT: TATAY na raw si EJAY FALCON?
EKLAT: OKS na ‘yan, kesa naman sa maging NANAY siya!
SIPAT: MAGDEDEMANDA raw ang BEBOT na NABUNTIS ni EJAY.
EKLAT: SIGE lang, HIJA… IKUWENTO mo na rin kung PAANO n’yo BINUO si BABY!
SIPAT: Uy, BATI na si RICHARD GUTIERREZ at ang WEBSITE na IDINEMANDA niya ng LIBEL.
EKLAT: COMING SOON: Ang PAGBABATI nina ANNABELLE RAMA at WILMA GALVANTE!
SIPAT: Pero SEY raw ni BISAYA, si JO-ANN MAGLIPON (editor-in-chief ng website), kaya niyang PATAWARIN. ‘Yung IBA, e HINDI.
EKLAT: GUSTO n’yo pa ba ng CLUE?
SIPAT: IDEDEMANDA raw ng MANAGER ng BAYWALK BODIES ang PINOY PARAZZI!
EKLAT: Aysus! WHAT ELSE is NEW?
SIPAT: INILABAS lang ng PINOY PARAZZI na nagpa-PARTY ang mga HITAD, e, NAGALIT na agad.
EKLAT: NAGKATAON lang… na HUBO’T HUBAD party ‘yon.
SIPAT: Pero SANA MAGBATI rin agad ang PINOY PARAZZI at ang BAYWALK BODIES…
EKLAT: Tapos magpa-PARTY uli sila. JOIN si PAPA AZZI, ha, DADDY DANI?
SIPAT: MARAMI raw ang NAG-ABANG sa PAGBABALIK ni JOLINA MAGDANGAL sa S.O.P. nu’ng SUNDAY, e.
EKLAT: INABANGAN lang… HINDI naman NANOOD!
SIPAT: Ang TAAS ng RATING ng ENDING ng MAY BUKAS PA. KINABOG ang DARNA!
EKLAT: TIYAK NAG-IISIP na rin ang WRITERS ng SHOW ni MARIAN RIVERA na PATAYIN na siya…
SIPAT: May SEX LIFE pa rin daw si DENNIS TRILLO kahit WALA siyang GIRLFRIEND.
EKLAT: ‘WAG nang PILITIN ang AKTOR na MAGKUWENTO kung SINU-SINO sa SHOWBIZ ang nakaka-ONE-NIGHT STAND niya!
SIPAT: So, HINDI TOTOO na NAGKABALIKAN na sina DENNIS at CRISTINE REYES?
EKLAT: OKAY naman ang SEX LIFE ni DENNIS, ‘wag nang IPILIT ang BALIKAN TIENES nila!
SIPAT: TULAD nitong MAGANDANG AKTRES na MAHUSAY din sa PAGPAPATAWA. SAGANA sa DILIG ng BOYLET niyang YOUNG ACTOR.
EKLAT: HINDI kaya AWARE o DEADMA lang talaga ang YOUNG ACTRESS na ka-LOVETEAM ni BOYLET sa CHURVAHAN ng DALAWA?
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service