MALAMANG NA makakapasa na rin sa Kongreso ang Kasambahay Bill na naglalayong ituring na manggagawa ang mga kasambahay o katulong sa bahay. Kung magkakagayon, tatamasahin ng mga kasambahay ang minimum na sahod, mga benepisyo tulad ng overtime, day off, pabahay, kalusugan at iba pa tulad ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga pabrika at opisina.
Maganda ring balita ito sa mga DH natin na nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa. Sa katunayan, nilagdaan na ang isang pandaigdigang kasunduan na nagbibigay-proteksyon sa mga domestic worker. Ito ay sa pagtataguyod ng International Labor Organization o ILO. Ngunit para magkabisa, kailangang lagdaan ito at iratipika ng iba’t ibang bansa.
Mahalaga kung gayon para sa atin na lakarin na malagdaan at maratipika ito ng mga bansa na kung saan nandoon ang karamihan sa ating mga kababayang DH tulad ng Saudi, UAE, Hong Kong at iba pang bansa. Para naman magkaroon ng katotohanan ang pangarap na ito ng mga DH.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo