FIRST TIME NAMING nakausap at nakaharap nang personal ang Japanese actor na si Jacky Woo at napabilib kami at napahanga kami nito sa pagiging matatas mag-Tagalog.
Ayon kay Jacky nang makausap namin sa Eastwood kung saan isa ito sa binigyang parangal ni Kuya Germs sa taunan nitong Walk of Fame, mayroon daw siyang tutor na nagtuturo ng Pananagalog.
Aminado naman daw ito na dugong hapon siya, pero buong pagmamalaki nitong sinabi sa amin na pusong Pinoy siya. Nu’ng una raw siyang napadpad ng Pilipinas, na-in love na siya sa ganda ng Pilipinas at sa bait at magagandang pakikisama ng mga Pinoy. Kaya nga raw ang ilang araw na trip sana nito sa Pilipinas ay umabot na ng buwan.
Gustung-gusto nga raw matutunan ni Jacky ang culture ng ating bansa at ang maging matatas sa Pananagalog, gusto raw niyang tumagal sa Pilipinas. Kaya naman daw sa tuwing gagawa ito ng pelikula, ito mismo ang nagre-request sa mga producers nito na sa Pilipinas gawin ang shooting at mga Filipino actors ang gawing artista sa kanyang ginagawang pelikula.
Isa nga raw sa mga artistang hinahangaan nito at gustong makasama at makapareha ay ang gobernadora ng Batangas at ang nag-iisang Star for All Season na si Vilma Santos. Napanood daw ni Jacky ang ilan sa pelikula ng award-winning actress at na-impress daw ito sa galing umarte ni Ate Vi.
GAANO KAYA KATOTOO na nag-umbagan ang sinasabing magkarelasyong sina Arnell Ignacio at Suzuki Sadatsugu at naganap daw ang nasabing umbagan sa isang event na pinuntahan ng mga ito?
Ayon sa aming source, magkasama raw dumalo ang dalawa sa nasabing event kung saan maraming naggagandahang babae ang imbitado. Habang may ikinukuwento raw si Arnell kay Suzuki, hindi ito nakikinig na ikinagalit ng magaling na host. Kaya naman daw ang ending ay sinuntok ni Arnell sa dibdib si Suzuki na bumalandra sa mesa na naging dahilan ng pagtapon ng ice tea sa mesa na ikinagulat ng marami.
After daw nu’n, dire-diretso nang lumabas ng nasabing venue si Arnell kasama si Suzuki na nag-aaway pa rin. Marami nga ang nakapansin na mukhang nagselos nang husto si Arnell nang gabing iyon. Tsika nga ng aming source, paniguradong may umbagang naganap ng gabing iyon paglabas na paglabas nina Suzuki at Arnell.
‘Yan ang ating aalamin. Yun na!
MARAMING NAPASAYA ANG mabait at masipag na si Laguna Governor ER Ejercito sa ibinigay nitong early X-mas Party sa entertainment press. Kasama ni Governor ER ang kanyang buong pamilya – ang equally masipag at mabait nitong maybahay na si Mayor Maita Sanchez- Ejercito at ang nagguguwapuhan at magandang supling ng mga ito.
Hindi magkamayaw sa kasiyahan ang mga press sa dami ng pina-raffle. Kaya naman walang umuwing luhaan at ang lahat ay may baong ngiti sa paglabas ng Zirkoh-Tomas Morato.
Dito rin namin napanood kung papa’no lubusang nabago at pinaganda ni Gov. ER ang Laguna, kung saan isa na itong magandang destinasyon para sa mga turistang nagnanais na makita ang ganda ng Pilipinas. Bukod pa rito, ang daming proyektong nagawa nito sa kanyang nasasakupan na talaga namang malaking tulong sa kanyang mga kababayan sa Laguna.
BLIND ITEM: SINO naman itong dating magaling at sikat na singer na mas piniling mag-concentrate na lang sa pagiging make-up artist at mag-manage ng kanyang sariling negosyo kaysa balikan ang pagiging singer?
Dahil na rin sa passion nito ang pagmi-make-up, nagtungo pa ito sa iba’t ibang bansa para lang pag-aralan ang makabagong istilo ng pagmi-make-up. Kaya naman daw nang bumalik ito ng bansa, talaga namang ‘di matatawaran ang husay sa pagmi-make-up, kaya naman daw mabentang-mabenta ito ngayon sa bagong career – ang pagiging make-up artist ng mga mayayamang ikinakasal. Libu-libo raw ang ibinabayad sa serbisyo ng guwapitong singer, kaya naman daw nawiwili ito at wala nang balak mag-recording.
Kaya naman marami ang nanghihinayang sa desisyong ito ni balladeer dahil bukod sa galing nitong kumanta at magandang PR sa lahat sa recording industry, nagtataglay pa ito ng maamo at magandang mukha. Kaya naman marami ang nag-iisip at nag-aakalang bading ito. Pero hanggang ngayon naman, wala pang makapagpapatunay na berde nga ang dugo ng dating sikat na sikat na mang-await.
John’s Point
by John Fontanilla