[imagebrowser id=79]
NANLUMO SI Angeline Quinto ng matapos ang isang DNA testing sa pagitan nila ng isang babaeng nagpakilalang kanyang ina, na si Aleng Veronica Tolentino ay lumabas na negatibo o hindi magkatugma ang kanilang genes. Nag-sorry pa siya dito at sinabing pasensiya na, talagang ganoon. At bagama’t naawa siya rito, lalo’t nang yumakap pa raw ito sa kanya.
Naalala ko rin noong panahon ni Nora Aunor na may nagpanggap na ina niya at sinasabing siya ang tunay na ina, ngunit alam ni Nora kung sino talaga ang tunay na ina niya. Medyo magkahawig ang pangyayari, bagama’t si Nora ay nanatiling Superstar.
Pero kahit ganoon ang nangyari, patuloy pa ring naniniwala si Angeline na isang araw, makita niya ang tunay na ina. Diumano, nangakong tutulungan siya ng kanyang amang si Pop Quiros, at ikinatutuwa ni Angeline na si Pop ay genuine, ang kanyang kinagisnang ama. Ayon pa sa kanyang ama, talagang kilala naman daw niya ang tunay na ina nito. Ani Angeline, naniniwala pa rin siyang patatawarin niya ang kanyang nawawalang ina at nagsabing huwag mag-atubiling magpakilala ito sa kanya. Naiintindihan niya kung anuman ang nangyari sa kanilang pamilya kahit na sumama ang kanyang loob dito noong maliit pa siya, kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkasabik dito.
Sa kanyang mga projects naman ay lalong tumaas ang kumpiyansa ng kanyang fans at in-demand siya ngayon. Tinagurian siyang “Queen of Themesongs” ng mga primetime na teleserye sa Dos.
Ganoon na lamang ang pasasalamat at tuwa rin niya sa ginawa sa kanya ng Star Cinema, bilang Star Power winner, lalo na nang maisakatuparan ang pangarap niyang makatambal ang crush niyang si Coco Martin, sa ‘di lang isa, ngunit dalawang projects. Ang dalawang movies ni Angeline, kasama ang crush niyang si Coco ay ang You Light Up My Life at Born to Love You.
Sa aking panayam sa kanya, andoon ang magpatawa siya at lumalabas ang pagka-komikera niya. Ano nga ba ang tunay na attitude at mannerism ni Angeline Quinto? Seryosong magtanong, subalit andoon ang kanyang pagka-inosente sa bago niyang daigdig sa showbiz at tila matutuwa ka sa kanya sa kanyang pagpapatawa. Sa kanya, talagang kung ano ang nararamdaman niya ay talagang sasabihin niya.
O sige umpisa na, what’s your name again? “Sarah Geronimo po. Joke! Angeline Quinto po.”
Ano ang tunay mong pangalan? “Angeline Quinto din po.”
Hehehe! Parang xerox lang, walang pagkakaiba. Tinanong ko siya kung nagsisigaw ba siya sa banyo ‘pag kumakanta. Natawa lamang ito. Ayon sa kanya, sadya na niyang hilig ang pagkanta bata pa lamang siya kaya ganoon na lamang ang kayang pagtitiyaga at aking itinanong na kung natatalo rin siya sa mga singing contest noon. “Nakakapagod din naman kasi ‘nun, lagi kang natatalo.”
Pero ano ang naging power mo bakit ka naging kilala? “Ah, sobra na rin po talaga ‘yung naging hilig ko sa pagkanta. Siyempre, bata pa po ako, ‘yun na ang gusto kong gawin. Siyempre kung meron ka naman talagang gustong gawin mararating mo, kasi magtitiyaga ka naman po, eh.”
So ano ang mga hilig mong mga gamit? “Kahit ano pong gamit?”
Ah, kung hilig mong mag-shopping ganu’n. O, ano? “Ah, hindi naman ako mahilig mag-shopping pero kung may chance namang pumunta ng mall, bumibili po ako ng sapatos o kaya relo. Tuwing pumupunta po ako ng ibang bansa, gusto ko po na may relo ako na bibilhin.”
Ah, may sasakyan ka na? “May sasakyan po akong napanalunan. Dahil mahal ang gasolina, ‘pag malapit lang po, minsan nagta-tricycle na lang po ako, nagta-taxi ‘pag coding po. Hihihi!”
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions: email. [email protected]; cp. 09301457621
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Maestro Orobia.