Maging Handa Sa Bagsik Ng Kalikasan

[imagebrowser id=171]

ANO NGA ba ang ating dapat gawin upang mapaghandaan ang hagupit ng kalikasan? Taon- taon ay nakararanas tayo ng pagsama ng panahon ito ay naghahasik sa atin ng pagkawasak ng mga ari-arian at minsan nauuwi pa ito sa kamatayan ng ilan nating kababayan. Hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba pang mga bansa.

Bago pa dumating ang mga ganitong sakuna ay dapat na tayong maging handa upang ito ay maiwasan. Dapat lamang ang mga bagay na inaakala nating mababasa at masisira at aabutin ng tubig dahil sa pagbaha ay ating ilagak sa ligtas na lugar. Manatiling alerto! Maghanda nang hindi mga nababasang lalagyan ng gamit. Makinig sa radyong de baterya sakaling magbrown-out. Oras-oras mag-monitor kung ano ang nangyayari sa paligid. Maghanda rin ng flashlights at kandila at lighter, malinis na inumin at pagkain tulad ng mga de-lata at noodles. Huwag na huwag ding kalimutan ang first aid-kits at maging pito para gawing warning signals. Kahit naman mahirap ay kaya itong ihanda at ipunin sa loob ng isang taon kung iisipin natin na ito ay para sa ating kaligtasan.

Sa mga nani-nirahan sa tabing-ilog, dapat silang maging alerto at bilang tulong sa ating pamahalaan ay huwag nang magtapon ng mga basura na bumabara sa mga daluyan ng mga tubig na nagpapalaki ng mga baha at pinagmumulan ng mga sakit.

Sa siyudad ng Muntinlupa, Las Piñas, Taguig, Valenzuela, Antipolo, at iba pa, bawal na ang paggamit ng plastic. Ito ay isang mahusay na panukala na hindi lamang makatutulong sa pagpepreserba ng kalikasan kundi nagliligtas din ng buhay at mga ari-arian.

Ang katotohanan, hindi sagabal ang sabihing tayo ay mahirap kaya tayo nagtatapon ng mga basura sa ilog at sa kung saan-saan lamang. Kulang lamang marahil tayo sa disiplina kaya hindi rin tayo sumusunod sa mga batas na nagpapanukala tungkol sa pagpepreserba ng kalikasan.

Ihalimbawa na natin ang garbage disposal system, ang nabubulok at ‘di nabubulok. Marami pa rin tayong kayang gawin, ang pinaka-basic na pamamaraang pagtatapon nito. Kung magagawa natin ito’y isang solusyon sa problema sa pagbaha at magkakapera pa tayo sa basura. Ang mga nabubulok ay puwedeng gawing fertilizers, samantalang ang mga hindi nabubulok ay puwedeng ibenta at i-recycle.

Maging ako man ay tutol sa mga nakatira sa gilid ng ilog na roon na lahat itinatapon ang mga kalat na basura at lalung-lalo na rin naman ang mga pabrika at kumpanyang walang sapat na water-waste system. Dapat na maging mahigpit ang mga kawani ng gobyernong involved tulad DENR at maging ang MMDA at LGU’s, upang mapangalagaan ang ating mga ilog na siyang nagiging ng daluyan ng tubig patungong dagat.

Sa mga imprastraktura naman, dapat makialam nang husto ang DPWH upang maiwasan ang pagtatayo ng mga gusali, tulay at mga kalsada na maaaring makasagabal sa ating mga drainage system. Minsan kasi, pati mga manhole ay tinatabunan ng semento para masabi lang na may proyekto sa pagpaganda ng kalsada ang isang lokal na komunidad.

Kadalasan, ang kamangmangan at kawalang-disiplina ay nakakadagdag pa sa kahirapan sa buhay. Ang isang bansa ay binubuo ng mga siyudad, komunidad at mamamayan. Sa pamamagitan ng pagtutulung-tulong ng mga taong naninirahan dito, kasama ang tamang pagpaplano sa kinabukasan, lahat ay may aasahang maginhawa at maunlad na buhay.

Maikli lamang ang buhay natin dito sa ating daigdig, ang paglilingkod nang mabuti bilang mamamayan ay pagli-lingkod na rin sa may Kapangyarihang Lumikha. Alalahanin natin na ang bawat isa satin ay may kanya-kanyang  tungkulin na dapat gampanan. Suriin nating mabuti ito kung ito ay nakasasama o nakabubuti sa ating kalikasan.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: e-mail. [email protected]; cp.09301457621;Tel. 3829838.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Maestro Orobia.

Previous articleHunky pose in undies
Next articleKain-an together

No posts to display