MISTULANG PUSANG ‘di makaebak, aligaga, natataranta at hindi malaman ang gagawin.
‘Yan, parekoy, ang obserbasyon natin sa nangyayari ngayon sa 11-man prosecution team na pina-ngungunahan ni Iloilo Rep. Niel Tupaz Jr. kaugnay sa Impeachment Trial ni CJ Renato Corona.
Mantakin n’yo, nasa kanila ang lahat ng resources, nasa panig nila ang Palasyo at may access sa lahat ng dokumento sa bansang ito na maaari nilang magamit laban kay Corona, pero kitang-kita na hindi sila makabuo ng isang solidong kadyot sa kanilang pinatatalsik na Punong Mahistrado!
Katunayan, noong nakaraang linggo ay direktang hinikayat ni Rep. Tupaz si Senate President Juan Ponce Enrile at maging ang buong Senado na sumapi na sa Liberal!
Hak, hak, hak! Pasensiya na po, Congressman, kung mali ang pagkakaunawa ko sa paulit-ulit mong sinabi na dapat ang Senado, maging Liberal!
Alam, parekoy, ng buong mundo na ang pinakamakapangyarihang political party ngayon sa bansa ay ang Liberal.
Maging ang Malakanyang ay hindi lantarang umaamin na suportado ng Liberal ang nagaganap na Impeachment Trial.
Katunayan, ang grupo nina Rep. Tupaz na siyang bumalya nang husto rito kay Corona ay pawang mga Liberal.
At ngayon pati ang buong Senado ay hinihikayat ni Tupaz na maging Liberal!
Ooops, sandali lang parekoy, baka naman ang ibig sabihin ni Tupaz ay bigyan sila (prosecution) ng kaunting kaluwagan o freedom kaya niya nabanggit na dapat sana ay maging Liberal ang senado.
Pero mali eh, bakit?
Heto parekoy, tinanong siya ni Enrile… “Anong Liberal ang sinasabi mo Congressman Tupaz, payagan natin ang leading questions? Payagan natin ang hypothetical questions? O payagan natin ang irrelevant questions?
Maliwanag naman ang sagot ni Tupaz, hindi raw ‘yun ang ibig niyang sabihin.
Sige nga parekoy, kayo ang mag-isip kung ano ang tinutumbok ni Rep. Tupaz nang lantaran niyang hinikayat ang Senado na maging Liberal…
Hindi ba maliwanag na pinasasapi niya ang mga ito sa Liberal?
Bwar, har, har! Sulong mga kapatid, maging Liberal tayong lahat, para durugin si Corona! Hak, hak, hak! Pwe!
BAGMAN DAW siya ni Cavite PNP Provincial Director John Bulalacao.
‘Yan parekoy, ayon sa ating impormante ang paulit-ulit na ipinangangalandakan ni P03 Marlon Garcia. Meaning siya ang tagapag-ipon ng mga patong mula sa iba’t ibang raket sa buong lalawigan ng Cavite lalo na sa iligal na sugal!
Kung ako si Col. Bulalacao, paiimbestigahan ko agad ang bagay na ito para hindi masira ang aking reputasyon! Lalo na kung hindi totoo! Hak, hak, hak!
Isa pang problema ni Col. Bulalacao ay ang mga preso nila sa loob ng “cuartel” na ginagawang “milking cow” ng isang major sa ilalim ni Bulalacao.
Ang nasabing mga bilanggo na ang mga kaso ay pagbebenta ng iligal na droga ay mahigit dalawang taon nang ginagatasan sa loob ng cuartel. Maliwanag parekoy na ‘yan ang dahilan kaya hindi pa sila itine-turn-over sa BJMP.
Ang masakit, patuloy pang nakapaglalako ng droga ang mga hinayupak kahit sila ay nakakulong sa cuartel!
Gaya kay ATENG na sa pamamagitan lamang ng kanyang tindahan sa loob at mga pautang na 5-6 sa mga pulis ay nakabili na ito ng house and lot.
At ito ang matindi, Col. Bulalacao, may nabili ring kotse (kulay pula) itong si ATENG na sa ngayon ay naririyan lang naka-park sa loob ng cuartel.
Pero kinagabihan ay minamaneho niya ito palabas para sa kanyang drug-pushing operations!
Magpaimbestiga ka kaya Col. Bulalacao, sir, para makuwenta mo kung magkano na ang kinita nila ni major! Hak, hak, hak!
PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa [email protected] o CP No. 09321688734.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303