Magkano ang Buhay?

 

SA SAUDI po namatay ang asawa ko habang siya ay nagtatrabaho. Magkano po ang puwede kong i-claim na death benefits? Kasi sabi ng iba, ibase ko raw ang kwenta sa batas na umiiral sa Saudi. Ang sabi naman ng ibang nakausap ko, ibase ko raw ang kwenta sa batas ng Pilipinas. Ano ba talaga ang dapat kong sundin? Saan po ba ako mas makikinabang? — Nadine ng San Fernando, Camarines Sur

IBASE MO ang kwenta mo sa kung saan mas malaki ang makukuha mo.

Una, maaari mong ibase ang claim mo sa batas na umiiral sa Saudi. Tingnan mo kung magkano ang makukuha mo base sa umiiral nilang mga batas at patakaran.

Pangalawa, maaari mong ibase ang kwenta mo sa batas na umiiral sa Pilipinas. Kung mas mataas ang makukuha mo batay sa mga batas ng bansa natin, ang batas ng Pilipinas ang gamitin mo. Pero kung mas mataas ang ibi-nibigay ng batas sa Saudi, ang batas nila ang gamitin mo.

Siyempre pa, kung may nilagdaang kontrata ang asawa mo, ang isinasaad ng kontrata ang susundin mo o pagbabasehan ng claim mo. Ang kontrata o kasunduan ay may bisa ng batas sa mga partidong lumagda rito at hindi ito maaaring labagin. Pangkaraniwan ay isinasaad ng kontrata kung ano ang batas na ilalapat sa OFW. Kung sinasabi nito na batas ng Saudi ang masusunod, iyon ang masusunod.

Ito ang dahilan kung bakit pinapadaan at inaaprubahan sa POEA ang mga kontrata ng mga manggagawa na bibyahe sa abroad.

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleDerek Ramsay, 4 na buwang baldado?!
Next articleDasal sa drug mules; at sugal sa Calabarzon

No posts to display