MAAARI ITONG aminin o idenay ng Young sisters na sina Megan Young at Lauren Young, pero ito ang “tahimik” na usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz.
Kung minsan ay dinadaan lang ng ating mga kasamahan sa hanapbuhay bilang “blind items” para siguro protektahan ang dalawang Kapamilya stars, for valid reasons.
Halimbawa, may identified na ibang ABS-CBN actors sa kanila, kaya mukhang magugulo ang scenario o plano in their career development kung sa Kapuso actors naman sila mali-link.
Eh, ‘yun nga ang chismax na nasagap namin recently – si Megan ay nakikipag-date daw kay Mikael Daez na cast member ng My Beloved nina Dingdong Dantes at Marian Rivera at na-introduce sa Amaya ng GMA.
May source na nagbulong sa amin na recently raw ay nakita nitong magkasama on a date sina Megan at Mikael sa Greenbelt.
We think na bagay naman sina Megan at Mikael, dahil pareho silang kayumanggi at matangkad.
Sayang at nakalimutan naming itanong kay Mikael ang isyung ito dahil tapos na ang presscon ng My Beloved nang i-chika ito sa amin ng aming informant.
Ito namang si Lauren, hindi rin nasusulat na isa pang Kapuso young actor na si Elmo Magalona ang nali-link sa kanya romantically.
Alam ng buong showbiz na si Elmo ay may “ka-loveteam” na dine-develop, at ito ay si Julie Ann San Jose ng Party Pilipinas na magaling naman bilang singer. In fact ay may cameo role si Julie Ann sa Tween Academy movie, pang-kilig sa fans nila ni Elmo.
Pero ‘eto nga ang chikang ang true love naman daw ni Elmo ay si Lauren dahil nakikita rin ang dalawa – o kasama ang ibang friends – na nagdi-date somewhere in Greenhills naman.
Walang masama na mag-date sina Megan-Mikael, at Lauren-Elmo, dahil kung sila naman talaga ang nagkakagustuhan sa isa’t isa, so be it and respetuhin natin ‘yun.
Hindi naman porke nasa magkabilang istasyon sila eh, hindi na nila puwedeng ma-type-an ang bawat isa, ‘di ba?
Tanong lang, bakit kaya walang natipuhan ang Young sisters na Kapamilya sa dami nila doon? Sa Star Magic na lang, ilan na ba ang actors doon? Well, that’s the mystery of love, ‘ika nga, kung totoo mang nagkakamabutihan na ang dalawang pares, o nasa ligawan blues pa lang?
GAME SHOW raw, at hindi variety show ang Game ‘N Go, ang bagong noontime daily show ng TV5, na magsisimula na ngayong March 10, Sabado, 11:30 ng umaga, pero Monday thru Saturday ito.
Pasok as hosts, for the first time, ang beteranong game show hosts na sina Edu Manzano at Arnell Ignacio. Si Edu ay nag-host na ng Game ka Na Ba among others, si Arnell ay sa Gobingo at K! The 1-Million Peso Videoke Challenge, etc.
Nang makausap namin si Arnell, hiningi namin ang reaksiyon niya sa pagtatapat ng Game ‘N Go show nila with Eat Bulaga ng GMA.
Say nito, “Korte Suprema na ang Eat Bulaga, kumbaga, kami ay nagsisimula pa lang sumubok sa TV5 ng noontime show, pero game show kami at hindi variety show tulad nila. Major network din ang TV5, so may karapatan naman ang network na magka-show sa noontime slot, di ba?” sabi ni Arnell.
Masusubukan nga ng publiko ang chemistry ng Edu-Arnell in one game show, kasama rin sina Gelli de Belen, Tuesday Vargas, Shalani Soledad-Romulo, Wendy Valdez, among others.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro