ISA SI KZ TANDINGAN sa mga gusto ko na singer-performer.
Iba kasi ang tunog niya. Hindi nakakahon at iba kapag nagpe-perform onstage.
I love her songs. I love KZ’s style na kahit sinasabing loka-loka ang style ng pananamit ay gusto ko ang pagiging independent-thinking niya bilang isang performer.
Kaya for sure, ang mga Pinoy kababayan natin sa Dubai ay excited din sa pagdating ni KZ for a performance dubbed as “One Music X” darating na November 3 sa Dubai Media City Amphitheater.
For me, iba ang musika at istilo ni KZ na very Aretha Franklin na isang “Soul Supreme” sa dinami-dami na mga international singers and performers sa buong mundo.
Sa pa-contest ng Kapamilya Network na “The X Factor Philippines” in 2012 una napansin si KZ.
Kakaiba kasi ang istilo ng performance niya on stage at maging ang klase ng boses niya.
Naging instant hit si KZ with her “Mahal Ko o Mahal Mo” na signature song ng 25 years old “Soul-Jazz-RnB” Singer and songwriter.
Ang naturang signature song niya ang nanalo sa Himig Handog 2014 and the rest is history para sa career ni KZ.
Sa isang interview, kuwento niya: “Sobrang dami kong gustong gawin pero ang hirap pagsabay-sabayin. Pero we still have some tricks up our sleeves. So ‘yon ang kailangan nilang abangan, ito ‘yong aking mga hino-hold back pa — para may aabangan pa rin sila”.”
As a singer-performer sa music industry for the last six years, madami gustong maka-trabaho ni KZ.
Sa Dubai show ni KZ, makakasama niya ang Teen Singing Sensation Inigo Pascual; Pop-rock Band Silent Sanctuary; at Rock Icon na si Rico Blanco; pati na rin ang EDM sensation na si Moophs at EDM artist Xela; at dalawa sa mahuhusay na artists ng Dubai: Pop RnB performer Josh McCartney at reggae performer Emmanuel Marie sa “One Music X”
Joining this performers sa daylong event and music festival ay sina Myx VJ Robi Domingo, VJ Ai dela Cruz; at ang kikay na si DJ Chacha ng MOR 101.9 For Life.
Reyted K
By RK Villacorta