WHAT WOULD Dingdong Dantes, Richard Gutierrez at Marian Rivera do para sa kanilang career?
Well, nakasalalay sa kanilang mga desisyon ang ipagpapatuloy at ikakaganda ng kani-kaniyang showbiz carreer.
Hanggang ngayon kasi, hindi pa raw nakapagdedesisyon ang tatlo kung magre-renew ng kanilang kontrata sa home network. At kung totoo na nagbabalak silang lumipat ng TV network pagkatapos na mag-expire ang kanilang kontrata sa GMA-7.
Dapat gamitin nila ang kanilang utak at huwag pasusulsol kahit kanino, maging sa kanilang manager, kung sa palagay nila ay babagsak nang tuluyan ang kanilang career sa magiging desisyon kung magre-renew ng kontrata or magpapasyang lumipat ng TV network.
Make sure na kung lilipat ng network, maganda ang magiging exposure, project at hindi ‘yung isasama lang sa isang project para magkaroon or masabi na may project.
Tandaan din ang kasabihan, ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay…. ‘di ba?
Si Dingdong, may napatunayan na may ibubuga talaga sa pag-arte, not like Chard na hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitigilan ng detractors na hindi raw marunong umarte, hanggang pa-cute lang daw ang napatunayan ng actor.
Marian should think many times kung mabibigyan ba siya ng kasing gandang project na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA-7 kaya sumikat, kung maisipang lilipat sa ibang network.
INAMIN NI Maxene Magalona na ginawa nila ang lahat para maisalba ang pagmamahalan nila ni Renz Fernandez.
Almost eight months din daw tumagal ang relasyon nila ng binatang anak nina LT at nang namayapang si Rudy Fernandez bago sila tuluyang naghiwalay noong nakaraang buwan.
“If you are no longer happy with something, there’s no reason to hold on to it anymore.
“Kami ni Renz, we wanted to make things work. Kaya nga umabot kami ng eight months. Pero lumalabas pa rin ‘yung mga nagiging problema namin with one another.
“’Yung inaakala mo na okey na kayo, hindi naman pala. Marami pala kaming hindi napagkakasunduan at nagkapatung-patong na ‘yon.
“Kaysa naman lumaki pa ang problema namin, we decided to part ways. But we’re friends naman.
“Ayoko naman na umabot pa kami sa samaan ng loob ni Renz. Maliit lang ang mundong ginagalawan natin, lalo na rito sa showbiz. We can bump into each other unexpectedly.
“Kaya it’s better to end things na maayos at magkaibigan pa rin kami,” paliwanag ni Maxene.
Samantalang nakatulong sa paghihiwalay nila ni Renz ang pagbibigay kay Maxene ng project sa GMA-7, ang remake ng 1981 drama film na Mga Basang Sisiw para madaling magamot ang sugat sa puso ng dalaga ng namayapang si Francis Magalona.
HINDI NA mawawala sa puso at isip ni Bong Revilla ang ginawa niyang teleserye sa GMA-7, ang Indio.
Sa halos anim na buwang pagte-taping nila sa malalayong lugar ay marami ang mga natutunan niya at dagdag na kaalaman sa pag-arte.
Bago tinanggap ni Bong ang serye ay nagpauna na siyang first at last na teleserye niya ito na gagawin sa telebisyon.
Hindi lang pagod at puyat ang dinanas ni Bong at mga kasama sa serye kaya mami-miss daw niya lahat ito.
Dahil na rin sa mami-miss ni Bong ang biggest teleseryeng ginawa sa telebisyon, pinag-iisipan na raw nito ang plano na isalin sa pelikula ang Indio na posibleng isali sa festival.
Samantalang kahit magtatapos sa May 31 ang serye ni Bong, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang Kap’s Amazing Stories sa GMA-7 dahil kada episode ng show ay nakapagbibigay-aral sa televiewers, lalo na sa mga mag-aaral.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo