AY, MAWAWALA na ba si “ Bad President “ na si Lucas Cabrera na sa takbo ng kuwento ng aksyonserye na FPJ’s Ang Probinsyano, siya ang numero uno kontrabida kay Cardo Dalisay na nagpapatay sa pamilya ng Presidente played by Rowell Santiago?
Kasi, kumpirmado na ang pagbabalik politika ng actor bilang Kongresista ng lone district ng Lunsod ng San Juan.
Hindi na bago ang public service para sa actor. Kung maaalala pa, naglingkod noon si Edu sa Makati bilang Bise Alkalde in the late 90’s at madami rin naman siya nagawa para sa mga constituent ng lungsod at nakatatak na yun sa kamalayan ng kanyang mga napaglingkuran.
Ang alam ko, kapag ang artista ay tumatakbo sa isang public office sa panahon ng eleksyon, kadalasan, nawawala or pinagbabakasyon muna sila sa mga regular shows nila sa telebisyon para maging fair sa ibang mga kandidato at para masunod na rin ang Comelec ruling tungkol sa exposure on media ng mga artistang kumakandidto
Sa kuwadra ng mga Estrada ang partido na sasamahan ng aktor kung saan ang anak naman ni Sen. Jinggoy Estrada na si Janella Estrada ang kakandito bilang Punong Bayan.
Maaabutan kaya ng karakter ni Edu sa Ang Probinsyano ang campaign period for the May 2019 election next year? Kung sakali, malamang sa hindi papatayin ng serye si Presidente Cabrera para hindi ma-technical ang aktor sa pagnanais niya na muling maglingkod sa taumbayan, lalo na sa mga taga-San Juan.
Reyted K
By RK Villacorta