FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)
ANG NASABING bill ay para sa isang demokratikong bansa na katulad natin at may karapatang malaman ang mga pamamaraan ng ating gobyerno kung ano ang takbuhin nito at saan ito papatungo. Kung maaprubahan ito ay magkakaroon ito ng konstraktibong resulta dahil magkakaroon ng transparency sa lahat ng transaction ng ating gobyerno maging ito man ay sosyal, political at ekonomikal.
Ang FOI ay naglalayong sumakop sa lahat ng ahensya ng gobyerno. Isinasaad nito na ang sinuman na nagnanais na kumuha ng impormasyon sa partikular na ahensya ay kailangang magpadala ng request sa pamamagitan ng sulat o ‘di kaya via electronic mail kung isasaad ng humihiling ang kanyang pangalan at full contact information para maging valid ang kanyang request at dapat rin daw na ipaliwanag nang mahusay ang dahilan ng kahilingan at sa kung anong paraan ang nais niyang iparating sa ahensya ng gobyerno.
Ang FOI bill ay nasa plenaryo na ng Kongreso noong Lunes ngunit nananatili pa rin sa sponsorship stage kaya hindi pa napagpapasyahan kung papasa ito o hindi.
Sa aking paniniwala ay maganda ang kakalabasan nito sakali man itong maaprubahan. Bakit nga hindi natin tulungan ang bill na ito? Malay natin, sa mga hindi pa bilib dito ay mas mabuti o kung hindi mas mabuti ang maiiambag nito sa ating pamahalaan. Sana ‘wag itong malagyan pa ng ibang kulay-pulitika.
SENATE BILL No. 1967, dating may titulong “Prohibiting Public Officers from claiming credit through signage announcing public-work projects.”
Ayon kay Senator Miriam Santiago na siyang nagtaguyod ng bill na ito, ito ay hango sa tawag sa kalyeng salita na ‘epal’ na slang ng ‘mapapel’. Ito ay naaayon sa mga pulitiko o opisyal ng gobyerno na nagke-claim ng mga proyekto gamit ang pondo ng gobyerno at naglalagay ng kanyang litrato at pangalan sa mga tarpaulin at iba pang print ads.
Sa ngayon, ang bill na ito ay dinidinig pa rin sa komite sa Senado.
Ngayong nalalapit na naman ang local elections sa ating pamahalaan. Sana kung papapel ay para sa ikakaunlad nito hindi ang pagiging pasaway. Nagkalat nga naman ang mga tarpaulins na kadalasang nakukuha sa mga lansangan ng MMDA gayon nakakasagabal ito sa mga motorista.
Kailan nga kaya tayo magiging hinog sa pamamaran ng pulitika? Kung saan magiging buo ang ating malasakit sa ating pamahalaan at mamamayan? Huwag nga naman tayong maging EPAL na kung saan kapag nakaupo na ito ay iba na ang direksyon?
Sana hindi gawing sandalang pader ang pulitika para sa sarili nitong pagunlad. Bagama’t hindi lahat na pulitiko ay gawain ito, sana huwag na silang mga mahawa. Dahil baka ang akala nating matuwid na daan na para sa ating bansa ay tila nababaluktot ang pamamaraan dahilan sa pansariling interes. Sana maglingkod tayo nang hindi lamang dahil gusto natin kundi para sa ating mamamayan at sa gobyerno at sa bansa.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: email. [email protected]; cp# 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia