Mahal, binalasubas ni Angelica Jones!

PINAG-AARALAN NA ng kampo ni Mahal ang posibleng legal na remedyo para mapanagot si Laguna board member Angelica Jones sa ‘pambabalasubas’ umano ng bokal sa una.

Sa panayam ng Pinoy Parazzi kay Mahal at sa manager nitong si Jethro, sinabi nila na pinag-iisipan pa nila kung Estafa na kasong kriminal o isang administrative case ang isasampa nila sa komedyanteng bokal ng Laguna.

Nauna rito, sinabi ni Mahal na may utang sa kanya si Angelica na aabot sa P80,000 noon pang 2007. Sa pag-follow-up umano ni Mahal sa nasabing utang sa nanay ni Angelica, palagi lang umano siyang pinaaasa, at kung anu-anong date ang sinasabi na babayaran siya.

Hanggang sa nitong huling paniningil niya, hindi na umano siya sinasagot ng nanay ni Angelica sa text o tawag sa cellphone. Ayon pa kay Mahal, hanggang ngayon ay wala pa siyang nasisingil sa mag-ina, at pakiramdam niya, binalasubas na siya ng mga ito.

Kung totoo ang akusasyong ito ni Mahal, dapat lang na harapin ito ni Angelica. Isa siyang lingkod bayan at marapat lang na sagutin niya at ipaliwanag kung bakit hindi sila sumasagot sa paniningil ni Mahal. Dapat lang na maging huwaran siya at ipakita sa lahat na ang utang ay utang, at kailangang bayaran.

Mahirap yata ang buhay ngayon, mahal at nagtaasan ang gastusin. Si Mahal na nga lang ang hindi tumataas, ‘di ba?

Helen Gamboa, ‘di nagsasabi ng totoo! – Sharon Cuneta

 

MUKHANG LUMALALA na ang word war between Sharon Cuneta and her aunt Helen Gamboa. Ito ay matapos magpahayag ng pagkadismaya ang megastar sa nasabi ni Helen sa isang interview sa kanya ni Ricky Lo sa Philippine Star, kung saan naibulalas ni Helen ang kanyang sama ng loob kay Sharon.

Sa twitter inihayag ni Shawie ang kanyang disappointment daw sa ‘hinaing’ ng kanyang Tita Helen ‘na di naman totoo’. Aniya, “it was just a matter of time bago kami mag-usap uli. Sayang at nagkaganito pa. And oo masakit ang mga bintang nya kasi personal dapat ito, pamilya. Hindi sa reporter naglalabas ng hinaing na di naman totoo. Sana nasabi rin nya bakit sumama ang loob ko.

“‘Di naman lalaki at tatagal ng ganito ito kung di biglang may sasa-bihin ang uncle ko out of the blue abt my husband when humihilom na ang sugat noon after di kami natulungan sa senate presidency. Siguro nasanay lang sila na nung bata ako, kahit anong mangyari ako ang nagsosorry kahit wala akong ginagawa. Ako ang laging nagpapakumbaba. At hindi ako nagbago ng ugali. Namulat lang ang mata ko at nagising. May pamilya na rin akong kailangang mas mahalin at protektahan ngayon. Yun lang naman po yun.”

Nagbigay pa ng tweet si Sharon bilang reaksiyon sa sinabi ni Helen sa interview tungkol sa ‘pag yumayaman na ang isang tao, napakahirap nang abutin.

Sabi ni @sharoncuneta12: “Thing is, she and I know that’s not the issue here. We haven’t talked dahil nagkasamaan kami ng loob over politics. Matagal na po akong mayaman. Since birth.”

Nagpaliwanag pa si Sharon kay Ciara Sotto tungkol sa nagiging isyu sa pagitan ng ina nito at pinsan. Sabi ni Sharon kay @ciara_anna: “sa interview ni mama mo sis, nakalimutan nya yata tumulong din ako nung 2010.” Patungkol ito sa nasabi rin ni Helen sa kanyang interview na hindi tumulong si Sharon sa kampanya ni Tito Sotto noong 2010 elections, dahil magkaibang partido ang kinabibila-ngan nito ng kani-kanilang asawa.

Sa bandang huli, tila naihinga na ni Shawie ang sama ng loob niya. Sa isa pa niyang tweet, sinabi nitong, “My prayer is since nailabas ko na rin ang niloloob ko, sana di na magtagal ang hidwaang pamilya. Sana malagpasan namin ang pagsubok na ito na nakakahiya.”

Sa pinakahuling pangyayaring ito, mukhang matatagalan pa bago tuluyang magkasundo ang mag-tita na pinaghiwalay ng isyung pampulitika.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleFeeling super sikat daw kasi Alex Gonzaga, tinalakan ni Dina Bonnevie?!
Next articleAnne Curtis, over-expose na!

No posts to display