NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Gusto ko lang po sanang ilapit sa inyo itong Sumulong High School dito sa Antipolo City dahil magkakaroon ng bayarin na P3,650.00 para raw sa graduation.
- Sa amin po sa Sta. Rosa, Laguna Central 3 Elementary School ay nagpa-meeting sa PTA at bibili raw ng projector at kailangang magbayad ang kada estudyante ng P250.00.
- Hihingi lang po ako ng tulong dahil pinagbabayad po ang mga estudyante ng elementary rito sa Brgy. Dontonan, Green Valley, Baguio City ng P885.00.
- Hihingi lang po ng tulong dahil sa iniipit ng isang teacher ng elementary sa San Luis ang Form 137 ng isang bata kaya hindi po siya maka-exam sa nilipatan na school sa Pateros. Ang dahilan po niya ay dahil may utang daw ang ina ng bata sa kanya. Makailang beses na po kaming nakiusap, pero ayaw po talagang ibigay ang form 137. Ano po ba ang p’wedeng gawin?
- Reklamo ko lang po ang tatlong pulis MPD na nanghaharas sa babaeng vendor dito sa may Padre Faura, Manila. Nananakit pa po sila ng mga vendor dito.
- Isa po akong UV Express driver sa Pasig na biyaheng Ayala. Ang concern ko lang po ay ang mga colorum na mga sasakyan ng pulis na siyang pumapatay sa hanapbuhay naming mga may prangkisa. Wala na po kaming kinikita dahil marami silang mga colorum.
- Irereklamo ko lang po ang chief tanod dito sa Brgy. Barang, Malasique, Pangasinan dahil ginagamit ang service tricycle ng barangay sa mga pansariling interes n’ya. Araw-araw ay ginagawa niyang panghatid-sundo sa asawa n’ya ang service vehicle at sa bahay na niya nakagarahe. Dala-dala niya pa po sa kung saan-saan ang tricycle imbes na dapat ay sa barangay lang.
- Pakikalampag naman po ang kinauukulan dahil sa tulay ng Meape, Bacoor ay maraming nadidisgrasya na bata. Taong 2014 pa po ito sinimulan pero hanggang ngayaon ay wala pa rin.
- Irereklamo ko lang po iyong pabrikang malapit sa aming bahay rito sa Meycauayan, Bulacan. Napakabaho ng gulong na ginagamit nila na panggatong sa pabrika nila na walang permit sa barangay.
- Isang concerned citizen po from Taguig City, reklamo ko lang po ang mga sasakyan na ginagawang parking area ang kahabaan ng Champaca Street sa Brgy. Western Bicutan.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo