NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Isa po akong concerned citizen, reklamo ko lang po ang talamak na panghihingi ng P400.00 para sa police report sa traffic sector sa Quezon City.
Gusto ko po sanang ireklamo ang kapitan ng isang barangay rito San Jose del Monte, Bulacan, tungkol po ito sa trabahong galing sa Tupad Program ng Department of Labor and Employment. Kasi po kahit iyong mga staff sa loob ng barangay na tauhan ni kapitan ay sumusuweldo sa Tupad kahit hindi naman sila nagtatrabaho para sa nasabing programa.
Reklamo ko lang po iyong binungkal na kalye simula noong Marso pa at hanggang ngayon ay nakatengga pa rin dito sa may Gate 7 ng Camp Aguinaldo sa Serrano Avenue, Cubao, Quezon City. Nagdudulot po ito ng napakatinding trapiko. Sana po ay mabigyan ng aksyon. Salamat po.
Gusto ko lang pong ireklamo iyong sirang ten-wheeler truck na naka-park sa mismong kalsada. Delikado po sa mga dumaraan. Matagal na pong naka-park iyon sa tapat ng police station at nakaharang sa mga motorista.
Idudulog ko lang po sa inyo ang aming problema sa aming kalye na ginawa na pong tindahan ng ukay-ukay, canteen, at paradahan ng tricycle. Dito po ito sa AFP Housing, Bulihan, Silang, Cavite.
Irereklamo ko lang po itong piggery rito sa aming barangay sa Sta. Fe, Nueva Viscaya. Malapit po sa eskuwelahan, basketball court, at simbahan ang piggery. Isa pa pong reklamo tungkol sa piggery na ito ay direkta sa creek ang mga dumi ng baboy.
Gusto ko sanang ireklamo iyong karaoke o videoke na hinuhulugan ng coins, kasi sa kalye nakapuwesto at nakabubulahaw sa mga bahay-bahay kapag ginagamit. Kapag gabi ay nakaaabala sa mga nagpapahinga. Dito ito sa Mexico St., sa Taytay, Rizal.
Reklamo ko lang po ang mga illegal vendor dito sa overpass ng Edsa Philtranco patawid ng Cabrera, Pasay City. Halos hindi na madaanan dahil pati pamilya ng mga vendor ay doon na natutulog. Sana po ay maaksyunan.
Tulungan n’yo po kami na mapaalis sa lugar namin iyong tindahan ng LPG dahil masyado pong delikado sa sunog, kasi ay dikit-dikit iyong mga bahay rito. Ang alam po namin ay wala silang permit galing sa city hall.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo