Mahal na police report!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Nagpagawa po ako ng police report sa nabanggang kotse. Tama po bang siningil ako ng P220.00 para raw sa picture at P400.00 para sa police report?

Isa po akong concerned citizen dito sa Olongapo City sana po ay matulungan ninyo kami sa talamak na pambabastos ng mga naka-motor dito sa amin na nagkakarera at nagpapalakasan ng tambutso na nagiging dahilan ng pagkasira ng pamamahihinga ng mga tao. Dumarami rin ang kaso ng pagka-high blood dahil sa pagkagalit at pagkainis ng mga tao. Sana po ay matulungan ninyo kaming makalampag ang mga kinauukulan.

Tama po ba na iyong basura rito sa aming lugar sa GMA, Cavite ay pinababayaran ng barangay ng P10.00 kada sako para makolekta at maitapon? Sa dami po ng residente rito ay malaki ang makokolekta nilang pera. Sabi ng barangay ay pampasuweldo raw iyon sa nagtatapon ng basura.

Pakikalampag naman po ang pamunuan ng DPOS ng Quezon City dahil iyong kanto ng Tandang Sora at Visayas Avenue ay sinasakop ng mga nagpa-parking. At sa unahan naman ng palengke ay may illegal terminal ng jeep. Sinasakop po nila ang hanggang 3rd lane ng kalsada kaya sobrang traffic po ang nararanasan ng mga motorista.

Mabigyan po sana ng pansin ang problema ng mga magsasaka rito sa Brgy. Sta. Rosa, Jose Panganiban, Camarines Norte. Wala na po kasing sapa rito at puro sasa na, walang madaanan ang tubig kaya  bumabaha sa mga palayan. Isang linggo bago bumaba ang baha kaya sira na ang mga tanim na palay.

Irereklamo ko lang po iyong kalsada mula sa tapat ng Forest Lawn hanggang Tagumpay at daanan din po ng papuntang Kasiglahan Village ay sira-sira. Dito po iyon sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal. Sana po ay matulungan ninyo kami sa problema namin sa daanan na iyon kasi po ay magdadalawang taon nang nakatiwang-wang.

Reklamo ko lang po iyong tungkol sa pagbabayad namin ng P300.00 para sa PTA. Ayaw po ibigay ang card ng mga bata hangga’t hindi kami nakakabayad. Dito po ito sa Paliparan 2 National High School. Sana po ay matulungan ninyo kami.

Pakikalampag naman po ang Pasig City Hall para malinis ang kalsada sa Bagong Ilog dahil sa pagdo-double parking na ginagawa ng mga tao sa kalsada.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.

Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articlePiolo Pascual sa isyu ng one night stand: “Ayokong magpaka-santo”
Next articleEntertainment reporter Richard Pinlac, comatose pa rin

No posts to display