UMAABOT SA 1,881 kabataan ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Task Force Disiplina, City Social Welfare and Development Office at mga barangay officials dahil sa paglabag sa curfew sa Navotas City.
Ang nasabing bilang ng mga naarestong kabataan ay simula noong January hanggang December 31, 2009.
Ang paghihigpit sa curfew ordinance sa nasabing lungsod ay upang maiwasan ang pagtaas ng street crimes na karaniwang nagaganap pagsapit ng dis-oras ng gabi.
Nabatid na sa mga naarestong minors, 1,231 dito ay kalalakihan habang ang 650 naman ay kababaihan na pawang may mga edad na 18 pababa habang 99 sa mga ito ay ikalawang beses nang nahuli.
Nagsisimula ang curfew sa mga kabataan mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga. (Lira Pineda)