HINDI-HINDI KAMI nagkakamali, first time magsasama ng dalawang dating magkatungaling sina Robin padilla at Richard Gomez. Kung maaalala pa, nagkaroon ng pisikal na engkuwentro ang dalawa years ago noong ginaganap ang Star Olympics nu’n.
Now, sa muli nilang pagsasama, ang dalawa, magiging “the best of friend” sa isang episode ng Toda Max sitcom ni Binoe na kung hindi kami nagkakamali ay this Saturday na ipalalabas. Buddy-buddy ang dalawa noong bumisita kami sa set last Tuesday.
Sabi nga ni Goma: “‘Yong sa amin nu’n ni Robin, bugso lang ng damdamin ‘yun. Mga bata pa kami. Tinatawanan na lang naming ngayon ito now that we’ve matured.”
Nang makita kami ni Binoe habang kausap si Goma, biro niya sa amin, “Goma, mga ka-batch natin,” pertaining sa dekada kung saan halos nakikita kami palagi ng dalawa regularly sa mga showbiz events at functions kung hindi man kami regularly dumadalaw sa kanilang tapings or shootings noon.
DISPALINGHADO ANG naganap na konsiyerto ni Regine Velasquez last Friday sa MOA Arena.
Dismayado ang fans na sumuong sa trapik para makarating lang sa MOA. Hindi sila satisfied sa nangyaring pagbabalik-performance ng Asia’s Songbird dahil wala sa kundisyon ang biritera.
Gabi pa lang ng Huwebes, masama na ang pakiramdam ni Regine. Kinabukasan, inaasahan na bumuti ang nararamdaman pero ayon sa mister niyang si Ogie Alcasid, may sakit na ang misis.
Sa tingin ko, nadale si Regine dahil sa crash diet na ginawa niya para makapagpapayat for her Silver concert bukod pa sa physically ay pagod siya doubling as wife, mother to Nate at ang mga walang puknat na rehearsals.
Tunay naman na malaki ang ibinawas ni Regine nang tumambad siya sa kanyang mga fans sa loob ng Arena. Pumayat. Sumeksi pero may kalakihan pa rin ng upper torso niya.
Malat si Regine. Walang boses nu’ng gabing ‘yun. Sumisemplang ang mga kanta na hindi na naaabot ang highest note ng kanta na inaasahan ng kanyang fans. Mabuti at andu’n si Anton Diva, ang biriterang sing-alike Regine na bumirit na rin on the spot.
Biro nga ni Vice Ganda na andudu’n at umakyat sa stage para saluhin ang kaibigan na physically unfit at may sakit, si Regine ang bagong Piyok Queen. Mga 20 beses siguro bumiyok si Regine, puna ng isang fan na nanood nu’ng gabing ‘yun.
One nice thing about Regine, kahit may sakit na siya at malat at wala nang boses, ginawa pa rin niya ang show. Sa puntong ito, saludo kami sa pagiging professional niya.
At bilang sukli sa pagkadismaya ng kanyang mga tagahangan, nangako ang Songbird na magkakaroon muli siya ng concert for “free” sa lahat ng mga nanood noong gabing ‘yun para makabawi. Most likely before December ang magaganap na libreng concert. Andu’n ang milyonaryong si Henry Sy ng SM na nag-thumbs-up nang lambingin ng Songbird on the spot sa kanya na ibigay na nito nang libre ang venue para sa free concert para sa fans na naroroon nu’ng gabi.
NAALALA NI Gerald Anderson ang relasyon na namamagitan ngayon between Daniel Padilla and Kathryn Bernando.
“Parang kami ni Kim (Chui) noon five years ago,” napapangiting sabi ng aktor.
Sa edad kasi ng dalagita, tila hindi pa p’wedeng i-confirm nito or sagutin ang panunuyo ng binatil-yo. Open man si Daniel sa kanyang pagmamahal, bawal pang pumasok si Kathryn sa isang relasyon until she reaches the age of 18.
Pero sa totoo lang, cute ng trailer ng 24/7 In Love, ang bagong pelikula ng Star Cinema na may kakaibang kuwento naman sa pelikula sina Kathryn ay Daniel. Iba rin ang love story nina Gerald at Kim na sa Miyerkules na mapapanood ng publiko.
Pero sa mga fans na gustong makita ang kani-lang mga idols tulad nina Gerald, Kim, Kathryn, Daniel, Piolo Pascual, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, John Llyd Cruz, Maja Salvador at Diether Ocampo, catch them in person bukas sa premiere night ng pelikula sa SM Megamall. I’m sure, parang Divisoria na naman ito sa dami ng mga fans at miron.
Reyted K
By RK VillaCorta