BAGONG SIMULA para sa ating lahat ang taong 2012. Isang bagong kabanata na naman sa ating buhay ang nagbukas. Sabi nga ng makatang si Edith Lovejoy Pierce, “We will open the book. Its pages are blank. We are going to put words on them ourselves. The book is called Opportunity and its first chapter is New Year’s Day.”
Isa si Joseph Bitangcol sa mga artistang mahirap man ang mga pinagdaanang pagsubok noong nakaraang taon ay masaya pa ring haharapin ang bagong taon. He is thankful for his new life. “Thank you, Lord, dahil binigyan Niya ako ng second chance,” sabi niya sa isang interview with Gretchen Fullido sa ABS-CBN News.
Joseph and his five companions figured in a vehicular accident last year when the Mitsubishi Montero he was riding was sideswiped by a 10-wheeler truck causing it to crash along Sumulong Highway. Dahil dito ay nagtamo siya ng mga fractures sa kaliwang bahagi ng mukha at sa kanyang chin. Isinugod sila sa Amang Rodriguez Medical Center in Marikina City. Si Joseph naman ay inilipat sa Marikina Valley Medical Center. He underwent operations dahil sa kanyang injuries.
Malaki rin ang pasasalamat ni Joseph sa lahat ng mga taong tumulong sa kanya. His friends held a benefit show to help raise funds for his operation that put metal plates on his fractured face. “Sila ang nagbigay ng second life sa akin sa showbiz, kasi [sa] showbiz puhunan natin mukha talaga eh,” sabi niya.
Natutuwa ako para kay Joseph dahil maganda ang kanyang pananaw sa buhay sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok. Sabi nga, habang may buhay ay may pag-asa. Una ko siyang nakilala sa Star Circle Quest noong 2004 kung saan isa ako sa mga jurors with Direk Lauren Dyogi and Ms. Gloria Diaz.
Kaibigan, usap tayo muli!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda