HANGGANG NGAYON na gumanda na ang takbo ng pamumuhay at umangat na nang sobra ang movie career ng napakahusay na actor ng isang giant network, mayroon pa rin siyang isang natatanging kaugalian na hindi siya marunong lumimot sa kung ano ang kanyang pinagdaanang hirap sa buhay. Anak-mahirap lang naman kasi siya noon, kaya bata pa lang ay marunong na siyang magbanat ng kanyang buto para magtrabaho ng kahit ano basta kumita lang sa maghapon.
Normal na bagets noon si napakahusay na actor. Kung ang ibang guwapo ay naranasang lumapit sa mga bakla para lamang maglambing ng konting halaga kapalit ng hada, ganu’n din ang guwapong actor, dahil sa kakulangan sa pera ay napakaraming pagkakataon na sa gabi ay nangangatok siya sa pintuan ng mga kakilalang mababait na bakla para kumita rin naman siya kahit papaano ng dagdag na halaga sa kanyang naiipon na. Kailangan kasi niya talagang mag-ipon lagi ng pera.
Isang mabait na bading ang dati ay kinatok ni mahusay at guwapong actor para siya ay magpahada. Nasa iisang lugar lang sila, kaya natandaan ni actor si bading. Heto na… si bading ay nag-showbiz bilang movie writer. Nag-showbiz din si bagets. Nu’ng magkrus ang landas nila sa showbiz ay si actor pa ang lumapit at bumati, at ang sabi sa writer na bading ay: “Kumusta na? Doon ka pa rin ba nakatira?” Sila na lang dalawa ang nagkakaintindihan kung san ang “doon” na iyon. Pero natuwa si bading, dahil kahit iba na ang katatayuan ngayon sa buhay ng actor, hindi siya pinagbago ng kanyang kasikatan. Si bading na lang ang nakaaalam ng nasabing lihim kung ano iyon.
By Melchor Bautista