MUKHANG NAGKAMALI ng kakalabanin ang isang mahusay na aktor dahil in the process, hindi lang kabaro niya ang napagtripan niyang awayin kundi ang matalik din nitong kaibigang reporter cum publicist.
For purposes of brevity, let me assign “festivals” to the persons involved. After all, ang pinag-uugatan din naman ng hidwaang ito ay ang parating na Metro Manila Film Festival.
Nagpipigil lang ang reporter-publicist na si SINULOG sa pagsisintir ni PAHIYAS dahil sa reklamo nitong pambabastos umano sa kanya ng producer-actor na si ATI-ATIHAN (the beginning letter is based on his character in the movie) na may kinalaman sa billing.
Depensa ni Sinulog, huwag lang daw sairin ang kanyang kabaitan, but if pushed against the wall ay mapipilitan siyang ilantad ang mga baho ni Pahiyas. Isa na rito ang mga umano’y mapanirang kuwento ni Pahiyas tungkol sa kanyang pulitikong kaibigan na pinsan ni Ati-Atihan.
Kilala ang sirkulo ng pagkakaibigang kinabibilangan ni Pahiyas, apat sila noon na magkakataling-pusod pero sumakabilang-buhay na ang isa roon. Of the remaining three, si Pahiyas ang tila least successful. Naisumbong tuloy niya kay Ati-Atihan that between his two bosom buddies ay wala umanong kuwenta ang pinsan nito.
Isa ito sa mga pinanghahawakang alas ni Sinulog laban kay Pahiyas. Not only that. Ilang taon na palang may pagkakautang (as in malaking halaga ng pera) si Pahiyas kay Sinulog, na sa tuwing magkakasalubong sila ay maano man daw bang makiusap si Pahiyas na saka muna niya babayaran ang atraso kay Sinulog?
Consistent with our “festival” theme, umeeksena pa ang nanggangatong na manager ni Pahiyas na tawagin na lang nating MORIONES.
(By Ronnie Carrasco III)