BLIND ITEM: KAHIT may ilang buwan na buhat nang lumayas ang isang mahusay na dramatic actress sa kanyang sinilangang TV network, bida pa rin siya ng mga kuwentuhan ng kanyang mga nakatrabaho noon.
Hindi raw lingid sa mga ito ang pagluka-lukahan sa propesyon ng aktres, na kasama niyang binitbit sa nilipatang network. Kabisado na raw kasi nila ang work attitude ng aktres, na minsa’y naging sanhi ng pagtaas ng blood pressure ng isa ring magaling na co-star niya noon sa isang soap opera.
‘Eto ang kuwento. Matagal pa’y ipinagpaalam na ng kanyang female co-star sa kabilang production staff ang kanyang Hong Kong vacation, kasama ang anak niya. Aware din daw ang ating bida na hanggang ganitong araw lang maaaring mag-tape ang kanyang kaeksena, saka na lang kukunan ang iba pa nilang eksena pagbalik niya mula Hong Kong.
Last taping day ‘yon ng kanilang teleserye, pareho naman silang sumipot. Marami-rami rin daw ang sequence na kanilang pagsasamahan, pero dahil nakatakda ngang tumulak patungong Hong Kong ang female co-star ng ating bida kinabukasan, umaasa siyang maaga silang magpa-pack-up.
Lumipas na ang alas-dose ng hatinggabi nang may mga eksena pang kukunan sa kanilang dalawa. Aligaga ang staff, nilibot nila ang buong set, pero nawawala ang mahusay na dramatic actress. Nu’n lang nila natuklasan na umuwi na pala ito kahit hindi pa tapos ang kanyang trabaho. Ang dahilan: hanggang 12:00 midnight lang siya maaaring magtrabaho.
Du’n na raw tumaas ang BP ng nakakaeksena ng bida, hindi raw puwedeng mangyari ‘yon dahil kung hindi raw makukunan ang eksenang ‘yon, matutuloy nga kinabukasan ang kanyang Hong Kong trip, pero kailangan niyang umuwi agad for the next taping schedule.
Pinaghalong sama ng loob, galit at panlulumo ang lumukob sa female co-star, na ikina-shoot up ng kanyang dugo: 150/100. Nagngingitngit man din daw ang buong staff, partikular na ang naloka nitong direktor, ay ginawan na lang ng paraan ang dapat sana’y eksenang magkasama sila.
Gumamit daw ng stand-in sa aktuwal na eksena, sinakluban ng tela sa mukha na kunwari’y ‘yun ang magaling na aktres, habang umaarte na ang felame co-star sa kanilang confrontation scene.
Sino ang napakahusay at multi-awarded female co-star ng ating bida? She bears a compound name, masarap itong panghimagas (dessert) dahil fruity ang kanyang dating. Sino naman ang ating bida? Napakakontrobersyal niya ngayon over a Twitter war with a younger actress mula sa kanyang pinaggalingang TV station.
WHOEVER HATCHED THE idea of combining the comic genius of Joey de Leon and the caricature-ish image of Mr. Fu via TV5’s Wow, Meganon?! is one of serendipity.
Alam n’yo ba na kung may time din lang ay nakatutok si Tito Joey sa Tweetbiz on QTV 11, kung saan regular host si Mr. Fu? Madalas ding gawing expression ni Tito Joey ang “Megano’n?!” line ni Mr. Fu sa Eat… Bulaga!.
Of course, TV5’s new program na mapapanood Lunes hanggang Biyernes 9:30 is Tito Joey’s Wow Mali reborn, kung saan ilang taon na rin ang binilang sa nasabing istasyon. To further beef up the viewers’ interest ay isinahog na nga si Fu, who’s a self-confessed JDL fan, make it a huge fan as huge as Tito Joey’s revered name.
With their partnership, surely ,Fu has a lot to learn from Tito Joey, na siyempre’y tito-tito ng lahat in his Startalk TX family. On record, JDL has mentored a lot of comedians na kinakitaan ng knack for the art.
And if I may speak for Tito Joey, what upsets him ay ‘yung ibang mga komedyante who lack of virtue of humility, those caught in the shallow waters of success.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III