Maigsi na kasi ang pisi: Aktor na tumatakbo sa pulitika, naghahanap ng matrona?!

BLIND ITEM: NATATAWA kami sa isang aktor na tumatakbo ngayon sa pulitika. Namumroblema siya. Hindi niya alam kung saan kukuha ng pandugtong sa kanyang pondo sa kanyang pag-iikut-ikot.

“Gie, tulungan mo naman ako, o! Meron ka bang kilalang matrona diyan? Basta ‘yung maganda-ganda naman, saka mas maganda kung malapit nang mamatay! Hahahaha!

“’Ta*gna, Gie, baka maputol ang pisi ko, kailangan ko ng back-up. Pakilala mo nga ‘ko kung meron kang kakilalang matrona.”

Sinagot namin siya. “Meron akong kilala, maganda at mukhang malapit nang mamatay.”

“Ah, talaga?”

“Oo, kaya lang, bakla siya, eh!”

“Ta*gna, ayoko no’n, pare! Hahahaha!”

‘Pag itong aktor na ‘to ang kakuwentuhan namin sa telepono ay hindi namin namamalayan ang oras. Tawanan lang kami nang tawanan.

Kung sino ‘to? Well, kilalang-kilala n’yo siya. ‘Pag binanggit namin ang kanyang initials, maaalala n’yong malamig pala talaga roon.

ANG GANDA NG timing ng Agua Bendita. Patok na patok sa mga bata ang taong tubig. Juice ko, ‘yung anak naming 8 at 6 years old, nahuhumaling na kay Agua at Bendita.

Iiyak pa ‘yung panganay naming si Erin ‘pag sasabihang matulog na at 8 A.M. pa ang klase bukas. Sasabihin pa niyang, “Daddy, puwede po,  pagkatapos ng Agua Bendita ako matutulog?”

Oo nga naman. Minsan lang silang maging bata, kaya pagbigyan na. Ang nakakalokah, imbes na matulog na si Erin, nakikipagkuwentuhan pa sa kapatid (na panghapon naman sa klase) at pareho naman silang nakapanood, eh, kumbakit ikinukuwento pa nila sa isa’t isa.

Kaya timing na timing ang Agua Bendita, in fairness. Saka ni minsan, walang nagsabi sa aming, “Ba’t pinalitan ng ‘Agua…’ ang ‘May Bukas Pa’ eh, mas maganda namang ‘di hamak ang ‘May Bukas Pa’ sa ‘Agua…’ na ‘yan?”

So, dahil wala kaming narinig na ganon’g comment, we therefore conclude na maraming aliw sa Agua Bendita. At ang timeslot na after TV Patrol ay talagang pambatang viewers.

Kaya ang tanong: Kelan naman papasok sa eksena ang lumaki nang si Agua Bendita na si Andi Eigenmann? Eh, hanggang April daw ‘yung appearance ng bata.

Obviously, lalabanan muna nito ang pagsulpot ng Panday Kids.

MAY NANG-IINTRIGA. HINDI raw tuloy ang launching movie ni Vice Ganda, ang Petrang Kabayo. Mali po. Tuloy na tuloy.  Kahit tinatapos pa muna ni Vice ang pelikula nina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos, mauuna pang mag-showing ang Petrang Kabayo sa Mayo, kaya abangan ninyo.

Sa ngayon, mag-enjoy muna kayo kay Vice sa panonood ng Showtime.

GUSTO NAMING I-CONGRATULATE si Cong. Mat Defensor, dahil nasa Hall of Fame na siya bilang Most Outstanding Congressman of the Philippines for 3 consecutive years (2007, 2008, 2009).

Kahit hindi kami nakasama sa ticket ni District 3, QC Cong. Mat Defensor ay oks lang. Ngayong tumatakbo kaming independent bilang Konsehal sa Dis3to ay siya pa rin ang bitbit namin bilang Congressman.

Kahit may mga kumakausap sa amin para magbago ng congressman, eh, hindi kami magpapalit, dahil naniniwala kami sa mamang ito na muling magtataguyod ng District 3 ng Quezon City.

Congrats, Cong.!

Baka may time kayong makinig ngayong 11-12nn, ha? “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, kasama siyempre pa, sina Rommel Placente, Eric Borromeo at ang The Legend Ms. F.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articlePriscilla Mereilles at John Estrada, beach wedding ang kasal next year!
Next article‘Di takot kay Jinkee Pacquiao: Krista Ranillo, manonood sa laban ni Manny?

No posts to display