MULING sasabak si Maine Mendoza sa MMFF Parade of Stars ngayong darating na Linggo dahil sasakay siya sa float ng movie nila ni Vic Sotto na Mission Unstopabol: The Don Identity. This year, sa Taguig City gagawin ang parada ng MMFF kaya expect a heavy traffic sa lugar.
Ngayong taon din ang may pinakamahabang parade sa kasaysayan ng MMFF dahil aabot daw ito sa 15.2 kilometers at posible raw tumagal ng halos 8 oras.
Handa naman daw si Maine sa kung anuman ang mangyayari sa parade.
“Sana lang, wag umulan. Kasi, last year, umulan, eh. Medyo mahirap, kasi nabalahaw ‘yung mga floats, sayang, kasi pinaghirapan din po ‘yun.
“Sana ngayon, maganda ‘yung weather, sana maraming lumabas,” dasal pa niya.
Magbabaon na lang din daw ang aktres ng towel dahil tiyak na papawisan siya sa init or mababasa naman if ever na umulan.
Anyway, masaya si Maine dahil sobrag blessed ng kanyang 2019 at marami rin siyang natutunan.
Aniya, “Maraming na-experience, maraming natutunan, so sana for next year, ganu’n ulit. Sana, mas colorful, mas maraming pagkakataon.”