KALOKA naman ang mga bashers ni Maine Mendoza.
After na i-bash siya ng mga trolls at anti-Maine (dahil mga solid Alden Richards sila), may isyu na naman ang mga hunghang na ang dalaga, nawawalan na raw ng trabaho mula nang pinili niya si Arjo Atayde ober Alden Richards (dahil in real life, there is no Alden sa buhay pag-ibig ng dalaga. Uulitin ko, never na nanligaw si Alden sa kanya.)
Maging ang origial rate niya sa mga ginagawang TV Commercials ay nababawasan na mula nang ma-link ang pangalan niya kay Arjo Atayde. Wow na wow ha?
Ang siste, nagpapa-underprice na daw si Maine dahil tapos na ang interest ng mga endorsement clients niya para lang magkaroon ito ng trabaho which I doubt dahil Maine Mendoza is Maine Mendoza.
Wala na ang love team nila ni Alden at hayagan na ang relasyon nila ni Arjo, wala pa rin nagbabago sa pasok ng “income” and projects ng dalaga.
Pabirong statement ng manager ng dalaga na sinams David ng Triple A Talent Management: “Ang galungong nga tumataas, bakit ako magbababa ng presyo? “.
Kaloka lang ang mga anti-Maine na halos lahat ng angulo na gusto nila siraan ang dalaga ay kung anu-ano na ang mga diskarte at mga tsika na gusto nila ikalat para sa kasiraan ni Maine.
I pity them. So kawawa at desperado na until now ay iginigiit pa rin nila.
Pero si Maine, matapang na. She’s brave enough to face such intriga.
Sa kaalaman ng lahat, isa si Maine sa mga good and law-abiding citizen dahil she pays her taxes na walang pandaraya.
Ngayong, anong isyu na pinagkakalat ng mga hunghang? Sa dami ng product endorsements ng dalaga, the more income she earns, the more taxes ang binabayaran niya sa BIR na pwede ipagtanong ng mga hunghang.
Sabi ng isang kaibigang nurse namin, open pa daw for new admission ang Pavillion7 sa Mandaluyong. Yes, sa loob. Lam na! Bwahaha…
At sa usaping lovelife. Going strong sila ni Arjo na recently ay nag-vacay sa Bali, Indonesia with friends.
Reyted K
By RK Villacorta